Monday, August 27, 2012

COUNTDAWN!

Pinost ng kaibigan ko na galing sa ACTS website. HELLO! 6 days na lang kaluluwa na kami! Iniisip ko kung matutulog ako e kaso medyo parang magmomore than 24 hours na ako gising hanggang mamaya? Baka hindi magfunction ang aking oh-so-profounding-brain sa lectures ni Ma'am Leah later. Pero sa totoo, kinaya ko mag-aral ng diretso ah. Well syempre hindi maiiwasan ang pa-FB-FB or twitter given na un at take note umaga lang ako kumain ng kanin, the rest patay-gutom mode. Hohoho. Diet lang pows? Progress, check. Masasabi kong may improvement naman kasi nakaaral ako ng CC, CM, HP-MTLB. Sa totoo, mga mock boards rationale lang inaaral ko na kasi wala na ng time e. 1 week na lang! 1 week is super duper short time na lang for review kasi wtf, nagmemed ako! WAHHHH! Kung 1 free week to edi kaya pa macram lalo pero hindi eh! Binalak ko nga isacrifice ang isang quiz ko para lang sa boards na to. Wala ng magagawa, makakabawi naman e. One take ang goal ng boards. One take din ang goal for med. KAYA YAN!

At gumagalaw pala ung picture na yan sa website. Scray. Am I gonna die? Good Day!

Wednesday, August 22, 2012

7 days plus 2 more

9 days na lang ang nalalaan para mag-aral. 9 days na lang kaluluwa na lang kami! WAHHHHH! Pressure, kailangan magpuyat ng sobra sa natitirang mga araw na to.

Wednesday, August 15, 2012

Deferred

Tinatapon na ng utak ko ang Biochem. Sobrang dami kasi! 13 topics in an exam parang paano pa kaya kung hindi nasuspend last week? Edi one night only lang mangyayari sa amin? SUICIDE un bro. Actually, natapos ko na siya literally pero ang tanong may naretain ba? Useless matapos kung walang naretain at sobrang BIOCHEMISH niya! As in parang masasabi mong ang henyo mo kung nalaman mo sila. Muntik ko na masulat ang henry mo. Amp! Ayun I really don't know what to do sa sobrang kasaturation na ng utak ko. Hindi ko na alam babasahin sa kanila. Tapos may short quiz kami ngayong 7.30am and I think aagahan ko sa school para naman hindi stress ang dating ko pag pasok ng room kasi last Monday, stress much. Late na ako so ayun tinakbo ko. Hihihi.

Kaya ang Biochem, DEFERRED.

Monday, August 13, 2012

A Fight To Win!

Strong kid sa pagsasabay ng shifting exams at boards. Goodluck naman! Super pinaplano ko talaga kung ano aaralin. Amp! At ngayon super bangag na mata ko pero I still need to study. Well super haba ng bakasyon ko e. More than a week, muntik na nga akong makapasok sa school e. hindi ko pa naman ito nakikita since nasalanta ito. Okay! Sige. Kopi break muna.

Still frustrated for an inspiration. Motivationless. I hate it, really.

Thursday, August 9, 2012

Ambon. Ulan. Habagat. Bagyo.

4 na araw na umuulan at buong linggo kami walang pasok. Ondoy lang? Shiftings pa namin ngayon week pero who cares. Nalalapit na matapos lahat. :|

At nagblog ako para sabihin sana maging okay na lahat. Ang gand apala ng UST kapag rubber boat ang gagamitin as transpo. Pramis parang wow ang unique pero ayun nagpost ng mga after-baha pics then kadiri na siya. I want to help but... Ewan parang walang time or what. Hay. Sana maging maayos na po talaga lahat. Mukhang naipon lahat ng dalangin ng mga estudyanteng mawalan ng pasok or umulan. ito na lahat!

At ngayon, ginagamit ko na lahat ng libreng oras ko. :)

Sunday, August 5, 2012

BAD SHOT!

At dahil naBV ako sa aking taenang kuyang yan, BADSHOT na siya sa akin simula ngayon. Taena yang mas masahol pa sa babae kung magka-PMS e! Menopause ka po? Hindi naman db?! Eh bakit ka naghuhurumintado? Putek talaga, naiisip ko lang mga pinagsasabi ng bibig mong yan e nabwisit na ako.

Okay alam kong kasalanan ko. Alam kong malaki ang pagkakamali ko pero bawal bang tanggapin na lang na ganito ako, na hindi ko alam lahat, na WALA AKONG ALAM?, na lagi ko na lang sasagot eh 'ewan ko', 'hindi ko alam'. Sige idahilan niyo sa akin na paano kung tanungin ka ng pasyente ng ganito ano sasagot mo hindi ko alam? So?! Alam ko naman kung ano sasabihin sa kanila kaya nga ako nag-aaral e and besides kung lagi niyong sasabihin sa akin yan edi, magpatho na lang ako. Kausap mga bangkay at slides at least wala kayong mapapamukha sa akin. At least hindi toxic. Hay nakakahigh blood pressure. Ganda ganda ng gising mo sa umaga kasi sobrang haba ng tulog mo simula kahapon tapos sasalubungin ka ng ganun. TAENA KA TALAGA! Babawian kita. tandaan mo yan! Unfollowed him on twitter. Dapat lang. May post ako e. Sabi nga ni ate sa akin immature ko raw. yes, true. I'll never grow up naman e. I think kasi parang same way of thinking pa rin ako even now. Like kapag nawalan ng pasok or hihiling ng suspension. So highschool/so college/so immature. SO?

May maipapamukha ka sa akin, alam ko un. Wala akong karapatan magalit? Ikaw man nagpapaaral sa akin o kung sino man sa inyo, bawal pa rin talaga magalit? Hindi na maalis ang isang habit. Ano kinabastos sa mga sinabi ko? BASTOS BA ANG MAGSABING, mahirap isabay ang boards sa med? HINDI DB!? Sige ikaw mag-aral at pagsabayin pareho tignan ko lang kung kaya mo! Magsabi lang na hindi pa sure kung magtatake ngayon, lalabas na ang mga oh-so-profound-words sa bibig mo? Oo ikaw na grad at kumikita. Ikaw na matalino. Thinking devilish, again. >:)> Seriously, madali ako magalit talaga pero iba ang degree ng pagkagalit. Iyon iba chill lang, or temporary lang pero ito matagalan to. Kinausap mo man ako dati na kesyo hindi tayo close. Buti alam mo, kasi hindi talaga tayo magiging close. Pakatandaan mo yan. Porket bunso ako at kuya ka at ikaw tumulong magpaaral sa akin porket may trabaho ka na porket ikaw na matanda. Feel mo may superiority complex ka na sa akin? Hay. Mga kuya nga naman.

Okay dahil kailangan kong ilabas lahat to, ito na ang post na to. Full of hatred and anger and hatred and angrrrrrrrrrrrrrrrr. At dahil dyan kinakarir ko ang physio exam na topics ay hemostasis at hematopoiesis. 56% sila ng exam namin btw. Pressure hindi ba? Parang bawal bumagsak ang isang medtech graduate dito. Aw. So pressure talaga. Inaaral ko lahat ng Ma'am leah notes at baka magbasa ako ng Rodak. Syet! Super bangag lang. Other physio topics later ka na. Super kinakabahan na ako, pramis. Parang proof na rin kasi ito na papasa ako ng boards kapag pinasa ko ito or mataas ako. Saniban sana ako ng talino ni Ma'am leah. Hahahaha. Okay back to reading Hema again.