Thursday, March 31, 2011

bye to the dream

some says not to give up most the time pero wala e. imposible nang makuha iyong dream na iyon. hahaha. grade conscious na pero i will just enjoy my 4th year. no more pressure na dapat ganito iyong grade o kung ano man. ang saya napanuod ko na ulit naruto after 3 months? ewan basta december ko siya huling napanuod. hayyy. bakit ganun? every break or bakasyon ng aking buhay. bum ako sa bawat simula then, magiging productive kung kailan patapos na. in short bitin ang bakasyon kung ganun. hahahaha. aw. sige na short kwento lang ako today. inaantok na naman ako. :| nights.

Wednesday, March 30, 2011

maybe i want to be a md

my eyes hurt. i just scan/skim [i don't know the right term] white coat tumblr. basta basahin niyo na lang very useful for med students and for not-yet-med-students. hahaha. nainspire ako eh. parang dumating ulit sa point na sinasabi ng aking sarili, "bass magmed ka na." and i somehow like the sound of it. wahhh! nanghihinayang pa rin ako sa nmat ngayong april. pero dahil dun talaga kay white coat parang nagkaroon ako ulit ng will to study harder. i want to be one of the best in our batch. i shall study hard this coming year. yes, be nerdy and try to understand most of the topic. it's like studying 3rd year again but this time, it's for fun to learn. hindi lang dahil gusto mong pumasa or mataas na grade. right? i think that is the best thing to do while studying. learning while having fun.

i also want to learn music. iyong tipong hindi common pero maganda. gets mo? basta gusto ko talaga matuto. pero paano ako matututo kung hindi ako magsisimulang humanap? yeah right. okay na ang medical certificate ko for internship. aw fudge! wala pa ako nung reg form photox. kailangan ko na naman hanapin iyon sa tambak ko. wala pa akong biodata. wala pa akong uniform! wala pa akong nasasagot sa aking waiver. matagal pa naman e kaya okay lang. ahehehe. i'm really tired na. *i just realized that i read white coat's tumblr without any music. hahaha. amp.* masasabi kong filipino version ni white coat si blink kaso ang problem ko ay hindi ko alam ang bago niyang blog. hahaha. hindi kaya ng stalking powers ko eh. accidentally ko lang kasi nakita iyong blog ni blink last summer. wahhhh! sana makita ko na iyong bago niya. sa totoo ang magbasa ng mga blog ang aking buhay tuwing summer.

narealize ko kanina. ang galing medyo nearly flat na ang aking tummy. sorry sa pagiging vain ko ah. gusto ko lang kasi ng flat tummy. lol. :)) i'm really working on it kaso kanina siguro naka 3 plates of rice ako. yey carbs! yey fats! ayun so basically, kokontian ko na naman ang pagkain. or ang ginagawa ko kasi ngayon ay kumain ng hapon tapos dinner ko na iyon. di ba? tapos drink lots of water. it's quite fun to do this kind of thing. i don't really want to achieve anything. i'm not being strict to myself like depriving with the things i want.

wahahaha. dumadaldal ata ako ngayon. after more than a month nakauwi ako ng baliuag. woah!? ang tagal nun. okay. sige aayusin ko buhay ko. may libro pa akong nais basahin noon pa kaso walang time kahit meron naman talaga. sadyang tamad lang talaga ako. sige bye bleu!

Tuesday, March 29, 2011

boyce avenue

nahilig na muli ako sa mga kanta nila. aminin niyo maganda naman talaga db? anyway, naalala ko nung first year ay nanuod kami ni ate ng concert nila sa moa. libre eh. ang saya nun. tapos dun rin ako unang beses nakakain sa tgif at unang bili skn ng havs. okay lahat na ng kainosentehan ko nasabi ko sa isang post. :))

i missed my ate. i mean, nakikita ko pa rin naman siya. kaso alam mo iyon. iyong tipong sabay talaga kayo umuuwi after school or sa pagpasok. nakakamiss lang. sabay kaming mag-iintern ni ate. at sabay kaming magbboards kapag nagkataon. hahahaha. clerk kasi siya ngayon so nagdorm siya. minsan lang kami magkita kpag hindi siya busy. hayyyy. i want to go out anywhere. gumala sa isang pde nang lugar. :))

i shall be an intern

but i have to fix my requirements first. i still don't know if i'm already cleared for my vaccines. oh well, i will go to school tomorrow to finish them. then go home to baliuag with my ate. yey! i just want to say that the greatest achievement for my entire semester would be i am one of the original passers of hematology 2. nakakatuwa lang kasi na pumasa ako sa pinakamahirap na subject ng 3rd year medtech with doc llanera as your prof. pero ang bait ni sir ah, pinasa pa rin niya iyong mga bumagsak talaga. parang joke time lang iyong pagpasa sa mga originals na pumasa kasi pasado pa rin iyong mga hindi pumasa. ang saya kasi interns na kami! happiness! thank you God kasi hinayaan mo kaming maging interns. :) we shall be at our very best to finish this course.

100% cleared na raw kami sa bb at si. so wala nang bagsak sa 2 subjects. 3 sa myco at 1 sa histopath. cm, no news. ung 3 sa myco viro, isang irreg, isang umaabsent, isang friend. wahhhh!

at ngayon super bored ako. as in kahit magbasa ako ng manga or manuod ng anime or series. i'm bored. kahit manuod ng tv. damn! i'm being antisocial kasi ayoko lumabas. :)) i don't know kung may nangyayari sa diet ko. :)) binabawi ko pa rin sa ibang kain e. ayoko lumabas. tinatamad ako at ayoko mapunta sa sinag ng araw. :)) okay. arte ko

Monday, March 28, 2011

happy weak

grabe nagising kasi ako ng 2am. tapos simula nun hindi na ako nakatulog. i mean siguro paputol-putol so hindi siya considered na tulog talaga.grabe at ngayon feelin ko puyat ako ng sobra. :)) kaboom! kaya pala ako nagising ng 2am was because i saw na i passed hematology. i won't take removals or anything. at SANA ganun din sa ibang subjects. hahaha. thirteen lang daw pumasa. fourteen kapag kasama ako. :)) :| amp. hindi ako kasama sa pumasa pero andun iyong name ko. wala lang ang saya lang ng feeling na kasama name mo dun. pero please GOD kayo na bahala sa kanila. sana pumasa sila at sabay-sabay kaming magiinternship. at sana po pasado rin ako, kami sa iba pang subjects.

Saturday, March 26, 2011

earth hour

i just turned off the lights for an hour. it's creepy and dark. hahaha. i'm watching grey's anatomy naman. steady naman. ang tagal pala nung episode, 1 hour?! wtf! sayang nmat. sa uste raw idaraos. :| tapos mas mataas daw nakukuha ng mga tao sa april nmat. hayyyy. signs of not going to med.

major clean-up

hello there. kakatapos ko lang mag-ayos. magtapon. mag-organize ng aking 1 sem kalat. woah?! ang dami. ang dami kong handouts. i need to keep them para naman may magamit ako sa future di ba? i think kailangan kong magpaphotox ng mga handouts. tapos kailangan ko rin ayusin iyong nasirang reviewer. at kailangan ko na silang ibalik sa kanilang mga nararapat na nag-mamay-ari. maraming salamat sa inyo na kahit iyong iba ay hindi ko talaga nagamit. :|

sayang iyong nmat. hindi ako nakapagregister. sa uste pa raw gaganapin. :( sayang. sana ngayon medyo productive buhay ko. at nag-aaral ako, db? pero wala na eh. wala nang extension. ang hirap. hayyyy. napanuod ko na step up 1! achievement iyon. after 5 years. yey to me! step up 2 naman tapos 3. tapos magbasa ng lamplighter kapag umuwi ng bulacan. i will watch movies. tapos sana makakain kami ni ate sa labas sa monday. tapos sa tuesday uwi na ako bulacan para makakuha ng scholarship. hmmmm. sana magampanan ko ng maayos ang aking pagiging sci-tech editor. nahihiya ako kay jessie na mangulit. pero i have to think of topics to do. hahaha. excited na me. sana talaga maging maayos lahat. iyong tipong masasabi ko sa sarili na aw, i did a great job. we did a great job. sayang, bakit kasi ako masunuring bata noon na umuwi every weekend. ang sayang ng opportunities to grow. sana active ako sa orgs. oh well, regrets. sige na tama na ulit daldal ko bleu. next time ulit. we will surely won't miss each other kasi magkkwentuhan tayo parati. kasi bored ako. okay. bye.

Friday, March 25, 2011

new sci-tech editor.

yey ako ang isang pinagpalang tao na maging scitech editor ng purple gazette at damn, ang bigat na responsibilidad nito! binigay ito ng aking boss. ngayon, i can't just slack off. i need to be friendly and sociable to my writers, if there would be any, and to my orgmates. i hope that i could be closed to them. wah! big responsibility, i somehow like it to make me responsible. :)) lol

anyway, i'm a freeman. i'm bored. i'm a bum. this is the officialstart of my bum month. i don't have anything to do. uhhhh. i just watched finding nemo a while ago. that was the first time. yesyes, i know. after so many years ngayon ko lang napanuod. loser ko. :)) tapos kagabi pagkauwi ko, natulog ako kagad. hindi na nila ako nakausap. as in tipong super basag ako when in fact hindi naman talaga ako nakainom. haha. funny. sana makapasa ako. sana makapasa kami. kaso may sure na raw bagsak sa histopath, 10-15 sa hema. sana hindi ako kasama dun. mukhang safe naman ako dahil sa monthly at prelims ko e. :| please please. makapasa lang ako, masaya na ako. 3.0 is enough. naiisip ko parang gusto ko magbody building. i will lose these fats in a month. i want to jog, dance and swim! hayyyy. sana marunong akong lumangoy para masaya. okay enough na ako sa kwento bleu. next time na lang ulit. aayusin ko pa mga kalat ko for a sem. mga urungin, pagligo. kaboom! dahil bakasyon every night na lang siguro ako maliligo. or iyong tipong super gabi na tsaka mo masasabi, ay shet hindi pa ako naliligo. hindi pa ba nangyayari sa iyo iyon? :)) okay. final na. bye bleu!

Thursday, March 24, 2011

angas mo pre

hahahahaha. okay 3rd post. sorry sorry. isa pa pala to sa kinaiinisan ko kanina. sorry ganito lang. kkwento ko sayo bleu mga ganitong bagay. after ng exam namin sa clin chem, pumunta kaming room 220 para magreview. isa itong room na malamig, nakaelevate kaya hindi pde gamitin, maaaring makapandaya. pramis!

ayun, so while reviewing nagtanong ako, "Ano meaning ng LSD?" sumagot iyong isa, "Ano ba yan, inaaral na sa pharma, sa cc hindi mo pa rin alam." *sabay walkout*

ampota talaga. hahaha. ang angas kasi e. tapos pagbalik niya hindi rin daw niya alam. may guts siya para sabihin iyon when in fact hindi din niya alam. pwede naman sabihin ng isang matinong tao na "Hindi ko alam e." o kung ano man DECENT pakinggan. okay lang sana kung mayabang ka basta alam mo. kaso hindi eh. at take note, the "so-called-bestfriend" pa yan. ampness. angasness! sige ako na ang pikon, pero mas pikon siya. at mampipikon ako ng sobra para gumanti. let's do the scorpio way. tsktsk.

*tapos ko nang reviewhin ang viro, wala pa akong alam ng myco ulit. magrreview ulit ako ng "reviewer" para sa cm. hahaha. sorry multiposting. sige , maya na lang siguro ulit after the day ends. freedom!

ins-pi-ra-tion

okay sabaw si utak sa pagbabasa ng "reviewer" kaya ito ako. magbblog ulit. :)) sa totoo lang, sa tuwing tinatamad na ako mag-aral. pinapanuod ko iyong ilang scenes sa first love. hahahaha. natutuwa kasi ako e. sorry naman. ayun natutuwa lang ako. mag-aaral ako ngayon ng viro+myco. i need to. :| iyong cm bukas na lang ulit. bahala na si photographic memory plus stocked knowledge. please be good to me. :)


Wednesday, March 23, 2011

last rant for my sem

hay. ang ganda ng araw ko ngayon. biruin mo natulog ako ng 8pm ng gabi hanggang 5.45 ng umaga. at 8.30 ang exam namin. wala pa ako naaral nung gabi. sangkatutak na handouts ang meron sa amin. pero ewan, bait ni God kasi sa mga binasa ko naretain naman sa utak ko iyong iba at iyong mismong handouts pa talaga na iyon iyong mga tanong. thank you po! pero sobrang nainis ako kasi hindi man lang ako nagising sa alarm ko, at hindi man lang ako ginising kahit na tumunog alarm ko! wahhhh! sayang kasi iyong exams. madali eh kaso sayang. hahaha. ayos lang, basta pasado.

last rant sa pag-aaral kasi ngayon na lang naman talaga ako mhuling mag-aaral kasi last day na bukas. rinding rindi na ako. sawang sawa na ako. suyang suya na ako sa pagbabasa ng cm. okay, sorry hindi ako mayabang. marami pa akong hindi alam. tingin ko nga majority eh. pero ang feeling ko talaga kanina habang nagbabasa ako is inis, inip! ayun nagbasa na lang ulit ako ng cm reviewers daw. no choice. kailangan ko magbasa. wala na ako magagawa. bahala na bukas. iyong myco viro babashain ko iyong handouts kasi kailangan. kailangan ko ng 3% para pumasa. para ma-3.00. hayyyy. sige sige. basa na ako. kailangan ko lang talaga ilabas iyong pagkainis ko. sorry. kanina nga habang nasa table ako kinuha ko iyong lapis tapos diniinan ko iyong sulat ko sa papel. amp. hayyyyyy. okay medyo relieved naman na ako. thanks thanks bleu.

Tuesday, March 22, 2011

End my misery

please. i want to pass na and be an intern. ayoko na mag-aral. ang hirap. hindi pa ako tapos ng hema. hopeless na naman ba ulit ang aking grade? bb? ayoko mag-bb sa'yo. wahhhhhhhh! kill me now.

Monday, March 21, 2011

Caffeine overdose

sabi sa aming clin chem class. caffeine is a social drug. abusado kasi mga tao dito. hahaha. okay. ano naman? i'm tired. i'm drained. i'm sleepy? nah! caffeine overdose nga e. hahaha. lol pero inaantok na nga ako. more than 12 hours na ako gising. wah. kaboom!

"Sana sa pag-aaral may diffusion din. Tipong ilalagay mo iyong mga books, handouts, notes sa ulo mo tapos papasok na lahat ng mga info. Kumbaga e from higher to lower concentration ang daloy."
-bass-

okay sakim ako. akin talaga to. :)) hindi ko naman alam kung may nakagawa na niyan e. bukas ay exam na namin sa bb at hema. madugong madugo talaga ang tuesday. mamaya si at histopath. so mamaya, icocorrelate namin kung ano mga antigens, antibodies, complement, mhc, hla, cd, serological tests na pwedeng gawin para maidentify ang sakit ng pasyente, mga symptoms na involved sa pagkamatay o sakit ng pasyente. hahaha. okay. pinilit ko lang talaga. hmmmm. medyo narealized ko lang correlated naman kahit paano mga exam per day. pero ampness, correlated talaga lahat ng subjects natin bass! wtfudge! sana may study buddy ako. iyong masipag. iyong hindi maiinis kahit maingay. iyong kasundo ko. kaso wala e. no one matched. not matched. matching denied. woohoo. sabaw na si brain. kung anu-ano na lang sinasabi. ahahaha. tingin ko ako lang gising sa 3d. hahaha. sipag ko naman. sana worth naman pinuyat ako. sana hindi torture ang exam bukas. at ito na lang po God. sana maretain sa utak ko mga binasa ko! iyon na lang pala. :))

*nararamdaman ko pa rin ang side-effect ng coffee. haha. aw. basta tipong nasa katawan mo pa rin talaga siya may something e. ay alam mo ba bleu, humithit ako ng isang gamot para sa asthma. ahaha. ang saya. salbutamol ata iyon. para ka ngang nasa heaven e, ang gaan sa pakiramdam. :)) sabi ko nga kay miko na baka maadik kami ni hito at hiramin iyon parati. pero syempre joke lang iyon. hindi ako tanga para gawin iyon. basta pramis try nio once. once lang anman. tapos habang tumatawa ka ng sobra, nagddilate talaga iyong bronchioles mo. :)) lalo ka tuloy hindi makahinga. fun experience. :)

Sunday, March 20, 2011

when you've got nothing to do

all you can do is blog. hahaha. sorry active blogging. i'm palpitating now. i drank two cups of coffee. yumyum. and ate many spoonful of cake. yumyum again. i'm hyper. hyperism. hahaha. i just read how a B cell matures. probcell.prebcell.immaturebcell.maturebcell.plasmacell. and then their CD shits. yes yes. and then while reading, a song came to my mind. i want to hold your hand. hahaha. and everytime that plays in my mind, i always remember my kapatid in mediartrix. she did a pretty great job singing that song during the major production. again, i'm having my regrets by not being an active member of the org. fuck this academic life. :)) it's just the feeling that i wasted 3 years by studying and having fun. i didn't even let myself grow. btw, my kapatid in mediartrix is one of the most, if not the most, beautiful person you'll ever see. pramis. hahaha. she will graduate this march. congrats to you kapatid! okay okay. *wah fudge, i replay the song 3 times now.* kill me now. hahaha.

okay back to t cell differentiation. yey to me. productivity. NOT!

it's nice to know

that there are people who consider you his/her bestfriend. it's funny. it happened in our clinical chemistry time wherein we would compute for our grades and let someone sign that paper and suddenly paulo told me that i will sign on his and him on mine. ang funny kasi kagad nangyari un. and sir rabor told us that the one who will sign would be one's bestfriend. wala lang. it just made me happy that someone considers me as A bestfriend. hahaha.

and last saturday morning while going to school. it may not be a coincidence but may be fated. aia rode the same jeepney. hahaha. i think that was the 3rd or 4th time it happened. i don't know. anyway. i will start to stadi now.

*damn those highlighters. bakit ngayon kayo nauubos kung kailan kailangan ko kayo?!

Saturday, March 19, 2011

First Love (A Little Thing Called Love)

pagbigyan na. nais ko lamang makapanuod ng mga ganitong movies. siguro mga 3 weeks ko na atang gustong panuorin ito at hindi nako nakatiis kanina kaya nanuod na ako. parang walang compre eh. kaya yun! uhhhh. masaya na rin ako at hindi nag-aral kanina. kasi hindi ko rin naman pala maaral iyon. :) going back. hahahaha. kinilig naman ako sa movie. oh well, ganun talaga. there was this scene there about sa pagtatago ng 3-year love. haha. okay. never mind na lang pala.

ang ganda mo nam! nam! nam! pero pramis ang ganda nga niya. :)

sige medyo pagod na mata ko. gusto ko na nga matulog kanina e kaso sabi ko magisismba ako at ang endpoint ay walang mass. yey!

dont say bb to me bb

kabado ako sa blood banking ngayon. please don't be the cause of delay of my 4th year. please. mapasa lang kita masaya na ako. para kasing nagpalit na kayo ni myco viro ng situation e. kung kaya isustento ng naipon kong grade ung pre finals at compre. please do so. please God, iyon nlng. ay mali, ipasa mo na rin ako sa ibang subjects. at syempre kaming 3d. sana walang madelay. wahhhh! hema is hopeless. no more study. later na lang. cm? okay, wala pa ako nababasa e. :|

Thursday, March 17, 2011

epalogs

sa isang grupo ng mga magkakaibigan, may mga umeepal talaga. tsk. at isisiksik pa niya talaga. don't worry. harapan akong makikiaway. oh well, hindi naman sa pagiging sakim pero kapag sila ang may handouts, hindi naman nila ISSHARE IYON E. gets? gantihan lang yan pero okay lang. basta walang kalatan at laglagan. puro nga illegal handouts ang kumakalat ngayon e, which is fun kasi hindi mo alam kung saan nanggaling. galing sa isa, kakalat na yan sa iba't ibang section.

nung isang araw kasi. sa lahat ng ayokong marinig sa kanya is, "Sasabay ka?" [interpretation kapag binabasa is may care iyong tao right?] pero NO. iyong tono niya is parang nagulat na ewan or something. okay, ako na sensitive pero nakakainis talaga iyong tono niya e. kaya ang ginagawa ko kapag ganun, hindi ako sasabay. :) oh well, BV. epal. tsktsk. epalogs.

going back to handouts. natutuwa ako sa handouts sa si. :) naenjoy ko magbasa lang. wala ngang pressure akong nararamdaman e. parang petiks. syet. sana hindi petiks grade ko. sige got to read again.

Tuesday, March 15, 2011

hemaday

later is our final hema day. i already gave up on reading the impossible. i gave up on finishing the endless chapters of hema. no one could ever finished them tonight. so i have a solution to my problem, i will read the summary of each chapter then answer the review questions. there is little or even negligible probability that i will pass later but i've got no choice but to do this. i'm tired though i already slept for 4 hours. i'm sleepy. my eyes are still tired.

and cobra is corny. *buffering ang effect* hahaha. basta nung hinawakan ko lang iyong sa part ng heart tsaka ko lang nafeel na nagpapalpitate ako e. hindi man lang ako hinyper e. ito ang pinoproblema nila? kinababaliwan nila sa pagising? tsk. not worth it. pero at least i tried. :| bawat araw na lumipas ay papalapit patungo sa ginhawa. gusto ko nang makamit ang ginhawang iyon. *fast forward please.* okay 2 hours na lang para makaaral. ay este makapagbasa lang pala. sige goodluck to me. bye!

Monday, March 14, 2011

bakit ba kasi medtech?

ngayon ko ito natatanong sa sarili ko. bakit nga ba kasi medtech? una sa lahat, nabrainwashed kasi ako na this is the best premed course, which i believe by the way. and it's a fact. medicine relies on mostly on laboratory diagnosis in order to treat the patient, right? pangalawa, fun naman talaga ginagawa dito kaso ang hirap e. actually, sa buong sem ay ngayon ko lang nalasap kung paano magpuyat. isang exam pa lang pinagpupuyatan ko. may something kasi na nagsasabi sa akin na gusto ko nang mag-give up. hahaha. pero syempre i won't give up the fight. i will win it. alam ko na kung paano kontrolin sarili ko during palpitations. just calm down, relax. breathe in and out. ayun then read slowly. :)) wag unahan ng mata ang utak. hindi nakakasunod si utak. i'm so bangag na talaga. i will sleep na after this post. hindi ko na kasi kaya and hindi ko naman alam kung ano ba lalabas sa exam. bahala na si God. please God! bb at myco na lang problema ko sa buhay. tapos mamaya may make up class daw kami sa clin chem. wtf?! tapos na kami e. kami na nga pinakaadvance sa lahat ng 3rd year medtech e. mga miscellaneous topics kasi dinidiscuss ni sir. it's alright naman e. magaling si sir. kaso wrong timing e. bakit bukas pa?! kung kailan late ang uwian at maaga ang pasukan. and considering the fact na hema day sa tuesday. bonggang hema day talaga yun. may prefinals na, may pracs na, may quiz pa! wooohoo. humahaba si post. siguro kaya ko natatanong to sa sarili ko ngayon ay dahil bumabagsak ako. wala akong assurance kung may sasagipo ba sa akin. or sasaluhin ba ako ni flying hero sa pagbagsak. *okay. mukhang gusto kong huwag matulog.* ngayon naiisip ko try ko kayang huwag maging masipag. ayoko na mag-aral, tinatamad na ako. kaya most likely ayoko na magmed. depende sa circumstances next year or any life turning events para magustuhan ko ang med. it's my dream, yes. pero worth it ba lahat ng pagod? worth it ba lahat ng pagtae mo ng pera para lang mag-aral? worth it ba?

parang gusto ko na lang maging first year eveyday. wala masyadong problema. kung iisipin ko ang buhay namin ngayon, walang wala ang hirap namin nung 1st yr. isipin mo naman, minors plus konting majors lang problem mo. chem at zoo at bota lang ata problema namin nun e. hayyyy. or pdeng maging graduate na lang ako at magtrabaho! kumikita pa ako ng pera at nakakabili ng gusto. *acidic na po ang tyan ko. 2 cups ng coffee. hello* i'm losing everything. little by little. i want to have them back.

*gusto ko nang pumayat katulad nung 1st year. grabe. ang bilog na ng mukha ko sa pics. seasonal ang pagiging photogenic ko tuloy. hahaha. okay una na ako.

Sunday, March 13, 2011

all out please

i just want to cry but the problem is i can't maybe i need to watch something touchy or really sad. i'm not born to cry. i just want to blog and tell how hard it is to study a single subject in one night. yes, i know that i'm irresponsible but even those who are studious won't be able to finish them. i'm sure. actually, i won't be pressured like this IF only i got high scores for my two quizzes on bb lec. and another pressure factor would be, i read the whole chapter and answered the review questions. i only got few correct answers. i'm doomed. i already drank two cups of coffee to let me stay awake. i hope it works. i'm stressed out. my mind is tired. okay i rant so many things. i've only got 2 more weeks to let me rant. please. i want it over. iwantitallout.

*i just realized. maybe i don't have "the" feeling. wah! fucked up brain. fucked up heart. fucked up me. i just felt that maybe we're not compatible enough. i don't know, it's just a feeling. maybe this would be a not-meant-to-be for me but i want to be for me.

Suicide Mission

sir yes sir!

okay. last 2 weeks na lang. kasama iyong ngayon week kasi this week would be our longest week in the history since we were first year. i'm tired. i'm bangag. i'm hungry. i haven't taken a bath. i haven't gone to the church. this is really the busiest sunday. well, next week kasi kaya pa kasi exams na lang e. wala nang quizzes or reporting or requirements or regular classes. i just want to sleep and watch my pending movies, series, anime.

tumingin ako sa gilid ko. nakita ko na naman ang mga kakaayos kong gamit. mga handouts, tambak, notes, books. nagpakaOC kasi ako para naman hindi ako mahirapan maghagilap ng handouts for the remaining weeks. this is our last chance. our last resort to REGAIN ourselves and FOCUS. and CONCENTRATE. and LOVE. and be INSPIRED. parang ito na ang huling token para makapaglaro sa isang arcade shop. win or lose kumbaga.

sergeant bleu,, i'm on my way for the suicide mission. commencing countdown. 5.4.3.2.1.0. RUN!

*i'm going to eat my lunch first. i'm straving.

Saturday, March 12, 2011

i want love

fast forward please. i want to watch movies na - first thing love. hahaha. okay. medyo umeepekto na ata ang coffee sa akin. i'm having palpitations. nakakaexcite naman pero i know, momentarily lang ito. matutulog na dapat ako e kaso nag-ayos na ako so nagising ako. wah! boring kasi basahin ng bb e. ung cm naman, nakakasawa. pero as usual, hindi ko pa sila alam lahat.

i want your love. maybe i already have it but i don't know where it is. i don't do anything to find it and that's sad. okay i'm being emo here. kasi ang wala akong ginagawa for aia. meron hatid paminsan minsan pero parang wala talaga nangyayari e. katulad nga ng sabi ko kasi busy. walang time for now. kaso paano sa bakasyon? ni hindi naman kami magkikita araw-araw althought taga caloocan din naman siya. we're just one jeep apart. hayyyy.


Thursday, March 10, 2011

Happy Day

uhhm. disregarding the fact that our cc lec and lab quizzes/exams are hard. this is a happy day. my sister passed her revalida! thank you po God. after those 4 years ng paghihirap niya, matatapos na rin kahit papaano.

isa na lang mahihling ko. matapos na sana ang 2 weeks na ito. so i could rest and be abum for a month. ang fun. may plans na mag-out-of-town ang 3d. :) sana matuloy. after all, last day na namin magkakasama nun. maghihiwalay na kami. syet, medyo napapaiyak ako sa pag-iisip. :)) drama ko naman, no bleu?

Near to Knock Out

i wish and pray and hope that my sister passed her oral revalida. in uste med, a clerk needs to pass her oral revalida before he or she can graduate. and ate's revalida is today. so please pray for her. :) goodluck mamaya.

medyo near to knock out ako. as in medyo nahihilo ako. hahaha. inaantok siguro, gusto ko nang matulog ng sobra. i want to rest. i want to sleep. i want to die. i want everything to be finished na. nakakaexcite kasi 2 weeks na lang, tapos next week, syet 1 week na lang. wahhhhhh! tapos interns na. :|/) i will miss 3d.

and bleu sana mgaing maayos din ang quiz ko mamaya sa cc lec at lab. please. please lang.

Wednesday, March 9, 2011

it should not have

i'm so bangag kanina. grabe natulog kasi ako sa jeep papasok ang guess what, muntik na ako lumagpas ng tayuman. :)) thank you sa mga taga-uste rin. :) first time ko atang sumabak sa laban sa hema quiz na hindi nag-aaral. pramis. dun ako naging tamad, hope it would turn out well. please. blood banking, fail. kumusta naman ang madaling seatwork kung hindi naman namin napanuod iyong video. di ba?! fail lalo ang si. sabon na kami. hindi talaga ako marunong mag-aral ng report. wah! pero lessons are learned naman e. i learned mine. photox ng mga handouts then uwi via taxi. syet bangag talaga ako kasi tulog ako. :|'

sana naging madali na lang sa akin ang myco viro. madali siya actually eh. hindi ko lang siya minahal. kainis. *sumasakit iyong likod ng ulo ko, kumusta naman?!* pero sana worth it ang puyat ko ngayon. i will sleep kagad pagkauwi. super sleepy eyes na. sige got to go na ulit bleu.

Sunday, March 6, 2011

caffeine no more

bakit sa lahat ng mga hindi umeepekto sa akin ay ang kape?! parang ang effect sa akin ng kape ay antukin. pramis. classic na yan. mapa-strong or kung ano mang coffee. no effect. ang sad ng life ko. i'm trying to stay awake now. ang hirap. kailangan kong tapusin ang ilan sa mga aaralin para bukas ay medyo mas madali buhay ko. ayun tapos ang gusto ko kasi sa coffee ay palpitations. pramis. i liked that feeling. anyway bleu, wish me the best. ha? basta sana maging maayos ang mangyayari bukas. please lang.

300th post

wow. ang dami na ng kwento ko sa'yo bleu. this is fun. :)) actually nung friday-night/saturday-midnight. nagrant ako ng sobra as in sobrang galit. hahaha. ayun tapos during classes sinabing walang quiz, walang report. amp! ayun so ranted for nothing. that is so fun. ginawa ko iyong report and ended up having a 2 hrs sleep, which is not good by the way. bangag ako at medyo hyper. after ng class, we played dota. hahaha. we won! yeyey! i had my haircut at bench fix. yes, ako na ang maluho pero minsan lang naman kasi! bumili ako sa tinapayan festival. yumyum at pumunta kala pat. ang sarap matulog grabe. hahaha. i ate lunch sa mcdo, tinignan doktor ko sa tenga and finding out na sarado na. hahaha. grabe alam mo ba pagtingin ko sa paligid, walang tao. sumakay ako sa elevator mag-isa, syet ang creepy. hahaha. after nun pumunta na ako ng med audi para pharmacy variety show. i just realized na ang tanga ko kasi hindi ko man lang sinulit iyong college life ko sa mga orgs. siguro kasi nung first year parang required akong umuwi every week. hindi pwedeng hindi umuwi. eh db mostly ang mga events ng orgs, saturday. ang sad lang. :| bakit ba kasi taga province ako e. :)) i love baliuag syempre. pero sayang kasi oppotunity.

at bleu, pramis i'm becoming more human. i get emotional. :| i watched one episode twice and i cried. hindi naman iyong hagulgol pero naiyak lang ako. maybe i only cry when i'm alone.

Friday, March 4, 2011

ohnooh

kanina habang nasa jeep kami, nafeel ko may oversecretions ang tenga ko. amp! ewan tapos medyo nafeel ko na slightly masakit na siya. kaboom! wag ka muna ngayon lumabas, sa summer na. pramis pagtutuunan kita ng pansin sa summer. wag lang ngayon. wag kung kailan kami busy. wag kung kailan nasa school ako! baka umuulit na naman ito dahil mahaba ang buhok ko. wah! kailangan ko na magpagupit.

baka hindi na ako matulog kasi nakatulog na ako ng 7 hours kanina. wow. ang dami kong gustong gawin for summer. i want to have a productive life. baka after ng compre bibisita ako sa aking mga up friends. :) i missed them so much.

Wednesday, March 2, 2011

Bigatin!

ngayon na lang ulit ako magpopost ng para sa cc lec. after a long time. *wooh* kanina lang ako nakakuha ng shallani notes and wow. namiss ko si ma'am! hahaha. ang maganda kasi sa notes niya, maayos, organized, medyo near to very informative, ayun tapos summary siya ng book. hindi lahat andun pero most lang. at ayun nga, ang hirap aralin kasi hindi naman namin alam iyong iba. eh considering na malaki possibility na magtanong galing sa book. syempre naman, hindi ba? naghihirap ako ngayon. akala ko kaya ko tapusin kaso hindi pala. :| *sad*

nais ko lang talaga matapos ang sem na 'to. gusto ko nang magbakasyon. gusto ko nang matulog at magpakabum. gusto ko nang gawin iyong "THE" thing na dapat ay ginawa nung una pa lamang. kung nakakapagsalita ka lang bleu, marahil ay magbestfriend na tayo. hahaha. reject na pala iyong potential bestfriend no. 1. :)) i'm antisocial, indeed. hello world of introvert. i'm an introvert. gusto ko nang matulog. goodnight.

malapit na revalida ni ate, sana ay makapasa siya. please po God. kayang kaya ni ate iyon.


Marso ng paghihirap

buena mano. first day pa lang ng marso, ang daming gagawin. so marami kaming ginawa kahapon, maraming aaralin para kinabukasan. restless. pero sa totoo lang, tuwing end na ng sem tsaka ko nafeel na 3rd year na kami at malapit na mag4th year.

kahapon pala habang natutulog ako. nakaamoy ako ng hotdog na niluluto tapos pagkagising ko walang niluluto. tapos nung medyo gumagayak na ako, aba nagluto si ninong ng hotdog. wah! tapos kahapon din hindi pa kasi kami ready para sa reporting. sabi ko sana magbrown out, and okay thank God. 3 naman kaming hindi nakapagreport so chill chill lang. :) we have to know every inch of our report.

i'm tired. i hope tapos na ang 3 weeks. please. end my misery.

Tuesday, March 1, 2011

megabreakdown

hindi naman sa lahat ng bagay ay feeling mo ikaw si superman. hindi mo kayang lumipad. hindi mo kayang magsuot ng underwear sa labas upang maipakita sa mundo ito. hindi mo kayang ipagtanggol ang mundo. hindi ka weak sa kryptonite. in short hindi ka nga si superman.

para sa isang normal na tao, sadyang mahirap ang ganito. maraming gagawin pero sinusubukang tapusin lahat? ano ka isang robot na hindi napapagod?! tao tayo. may mga kahinaan, napapagod pero pwede naman tayong magpahinga. ay hindi pala pwede, DAPAT. marahil ay kung isagad natin ang ating mga kakayahan sa pinakalimit ay maaaring mas malaki ang consequence nito sa atin.

okay, megabreakdown. kaya ko pa. active pa utak ko pero sabi ng katawan ko, "Gusto ko nang matulog!" at ngayon ay patulog na ako. nagblog lamang ng sandali. kanina, naextractan ako ng 18ml ng dugo. woohooo! 3 beses kasi iyon tapos evacuated tube so 2 sa bawat tao. e ang laman ng isang tube ay 3cc ata na equivalent sa 1ml/cc? ayun. kaya nagffeeling superman ako. hindi naman ako nahilo, steady lang. first time ko rin pala magevacuated method. at trivia! 1st time akong nag-extract for this sem. wow! kung kailan patapos na. goodluck naman sa skills ng venipuncture in internship. hahaha.

goodmorning bleu!