Saturday, December 26, 2009
want - need?
i want to play chrono cross, and final fantasy 8...so badly
noong araw ng pasko / mayon


merry christmas sa inyong lahat! hindi na ako nakagawa ng hiwalay na post para dito, tinamad akong gumawa noong araw ng pasko.
*pataba na ako ng pataba. sarap kumain.
*medyo nagiging blog hopper na rin ako ngayon.
*miss ko na pumasok, magklase, 2d, gumala, kaibigan.
*sana payagan ako sa 29 ng disyembre para makapunta ng batangas. :)
Wednesday, December 23, 2009
santa can you hear me saying?
an ipod
a shaver
my contentment
ps1 games
lots of movie and anime cds
and
.
.
.
never mind.
that's all santa. ganyan lang ako kababaw.haha
*i'm done watching serendipity, the notebook, & iron man. what's the next movie? fantastic 4. :D
Saturday, December 19, 2009
palpitation
nasa bahay ako ngayon at nag-aayos ng mga kalat ko. pero nagpapalpitate ako ngayon kahit hindi ako umiinom ng kape. wala naman talagang epekto sa akin ang kape kahit uminom ako - hindi ako nagigising lalo. bakit kaya? hmmm. argh
Thursday, December 17, 2009
just starting
it is such a sad thing that people might just use the word serendipity or fate or destiny or whatever you call it as an excuse or a reason.
i think i am starting to like movies. i'm off now to watch the new episode of bleach. :)
Monday, December 14, 2009
pagiging ignorante
nasa friomix ulit kami. kumain ako. nagkwentuhan kami. tumahimik ako. hindi ako makarelate sa pinag-uusapan nila. tungkol ito sa mga movies, at celebrities, kung sino nga ba ang mga magaganda/gwagwapo o kung ano pa man iyon. grabe, nakatunganga lang ako at inantok. naisip ko lang na parang napakawalang paki ko sa mundo, mga nangyayari, mga palabas, mga tao, mga. mga...
*ngayon[pero hindi ngayon] ay nakatitig ako sa ym o kaya sa facebook, tinitignan iyong profile o kaya stat niya o kaya kung online pa siya. hay, ewan ko ba. nagpapakaEmO na naman ako. parang kapag nakikita ko siya kahit iyong pangalan lang, napapatingin talaga ako. wahahaha. *kinilig* naman ako pero mukhang may nangyari eh. hindi ko lang sure. *sad*
tara aral na tayo para sa exam bukas. biochem.
Saturday, December 12, 2009
what i feel
i'm just missing you. i thought i let go of the feeling. but then, i guess i may be wrong.
monthly na next week at paskuhan na. sana makapunta KAyo
Saturday, November 28, 2009
random thoughts
ay cge iyon lang. may quiz pa pala kami sa histology lec, at literature. reflection paper sa socio. 2 article sa english. kung sipagin man, mag-aral para sa biochem.haha.
http://i36.tinypic.com/w89fr7.jpg ito link na nagpapakita na kung OT ang kinuha kong kurso ay baka mamatay na ako. mas mabigat pa ang workload nito kaysa ngayon eh. pero frustrated pa rin.[sad].
Thursday, November 19, 2009
emo moments
ang dami nang bagay at tao ang lumalayo. hindi ko alam kung ako nga ba ang lumalayo o sila ang lumalayo sa akin. nakakalungkot lang isipin pero . . . di bale na.:(
Sunday, November 15, 2009
first week
first two days of classes were already finished. nothing special. thursday, we've been ditched by our professor in literature and waited for 2 hours. we've met our biochem lab prof and discussed. early lunch, yey! we went to trinoma - sang in red box, played in timezone[them], and watched 500 days of summer[cooL] then went home. wednesday, i was late for our theo class and our professor was our prof last second semester, the one who's playing magic tricks on our grades. our professor in phyana lab transferred to our mteduc class, great. the classes were cut because of the mass and our dean's birthday[happy birthday dean torres!]. we didn't attend, instead, ate at mcdo. we 'tambay' on friomix after knowing 2dmt's classes for the day were already suspended[haha]. oh and we saw u.s. secretary of state hillary clinton's car, i think, and a portion of her forum shown in the main building and policemen with or without their dogs, roaming around the campus. para naman kasing bobombahin ust 'di ba?
i love 500 days of summer. heartbreaker. ahhhh[pitiful sound].
"someone better than your dream girl, the real girl."
Monday, November 9, 2009
life isn't so easy
there would be times that i would ask that question to myself. those were the times that i felt a feeling to an extent that should not normally be felt - being happy, sad, lonely, emo, excited, and perhaps in love. they were too much for me to handle, too much for me to grasp, too much for me to comprehend.
but then, asking another question, was i the one who gave up on life and doesn't live for it?
yes. but i'm trying my best to improve myself now. i'm trying not to let go of the opportunities. i'm trying not to let go of the happy or sad moments with my family, friends and everyone. i'm trying.
life just wanted me to experience things. to make me know the wrong things i did, and correct each of them. to make me feel how lucky i am for all the things i have. to make me feel so down and yet, stand up and live again from all those trials. to make me move on with the past, face the present and think for the future.
i'll try to be optimistic and think lightly about my hardships and failures. i can do it.
*uh oh, need to improve my tenses.
Sunday, November 8, 2009
home sweet home
nakakamiss din pala ang baliwag. tapos nagrereklamo pa ako tuwing papupuntahin ako sa isang lugar, minsan na nga lang ako mauwi rito eh tapos ganun pa rin ginagawa ko. nakakakonsensya lang. pero rito, lagi kang inaasikaso. hindi mo na kailangang problemahin ang pagbili ng pagkain kung wala na kaso andyan naman ang walang katapusang pagdalaw ng mga alikabok sa bahay na pinapaalis namin sa bawat pagdalaw. isang routine na talaga 'to kapag nauuwi ako sa baliwag.
*condolence ivan
*goodluck sa atin sa second sem.
*magiging masipag din tayo para mag-aral
*gusto ko mag-audition sa danzfuzion kaso hindi ko alam kung paano nga ba gagawin ko. baka pagsisihan ko pa na sumali ako at magsuffer ang acads ko, pero baka pagsisihan ko rin ang hindi pagsali.
Saturday, November 7, 2009
buhay up
ang saya ng gabing 'yon. inalala namin iyong mga buhay namin nung kinder, grade school, at high school, at pinag-usapan din ang ilang mga tao. natulog ata kami ng mag-5 ng umaga at gumising ng mga 9 ng umaga upang makapag-enroll. noon ko lang napagtanto na napakaraming bagay na akong hindi alam tungkol sa kanila, sobrang dami talaga. namiss ko sila ng sobra pero ayos na kasi nakita ko naman na ulit sila. hehe.
edi ayun, umaga na. gumayak na sila at sumama ako sa kanilang mag-enroll. grabe talaga ang paglakad kahit na medyo sanay na ako maglakad ng mahaba, nakakapagod pa rin talaga. natapos naman nilang mag-enroll pero hindi pa nakakapagbayad ng tuition.nakakapagod pala mag-enroll sa up, lakad lang ng lakad pero pwede naman mag-jeep.
nakaalis kami ng up ng mga 6 ng gabi, ang dilim na eh. may bungangerong drayber nga lang kaming nasakyan dahil presyong estudyante ang ibinayad namin sa jeep. pwede na nga siyang maging prof o kaya maging pari sa haba ng mga pangaral niya eh[kainis]. bumaba sila ng trinoma, at ako sa sm. umuwi kami ng magkahiwalay.
wah! hindi masyadong maayos iyong post pero 'yan na halos ang nangyari sa pagtigil ko sa up. kapag nagsipag ako upang makapunta ulit diyan, punta ako sa pasukan. *smile*
Wednesday, November 4, 2009
kakiligan sa buhay
nakilala ko siya sa debut ng blockmate ko. una ko siyang nakita sa greenhills, naka-red, maputi, maganda, cute at tingin ko masungit o maarte o mataray. hanggang tingin lamang ako sa kanya noong mga panahong 'yon. pumunta na kami sa burgoo at hinintay ang iba pang bisita. nag-aliw-aliw muna kami tsaka ulit bumalik sa kainan. umorder na at hinintay ang pagkain, nagdrawing pa nga kami ng kung anu-ano sa papel sa lamesa eh.
habang at pagkatapos kumain, nagkakausap naman kami at picture dito, picture diyan. sa mga oras na 'yon tsaka ko pa lang nalaman na napakakulit niyang tao, mabait, maharot at kung ano pa. edi ayun uwian na, nun pa kami medyo matagal na nakapag-usap at nangharot ng mga kasama, basta kalokohan lang naming dalawa.
kinabukasan may nalaman ako sa 2 kong kaibigan, *kinilig* naman ako. noon na nga lang ulit ako kinilig ng ganoon eh. binigay ng kaibigan ko number niya at itext ko raw siya. tinext ko naman. nagkatext kami ng isang buong linggo, hanggang sa padalas na lang, hanggang sa paminsan-minsan na lang, hanggang sa hindi na pero nagkakapag-usap pa naman kami sa text, facebook, at yahoo messenger . . . ay at tumawag pala siya one time, hindi ko inaasahang siya ay tatawag ng ganung oras*kilig*.
tutal ay nagsasabi ako tungkol sa kanya, pagpatuloy ko na rin. isa siyang estudyante ng dentristry sa ceu, 2nd year na rin siya. taga pampanga at 18 years old. sayang nga eh, hindi ko siya nabati ngayong taon kasi hindi pa kami magkakilala nun. hindi ko na lang sabihin iyong pangalan niya. :D.
dati nga pinag-usapan namin na punta ako sa school nila tapos siya sa amin, hindi pa siya natutuloy hanggang ngayon[haha]. ngayon hindi ko talaga alam gagawin ko pero masaya naman ako.
Tuesday, November 3, 2009
nagbabalik
ngayong araw ay ang kuhanan ng clearance at enrollment. nakakapagod pero masaya kasi nakuha naming pe ay football[yeah!] ngunit ang nakakalungkot ay may ilan sa amin ay naging irreg at baka lumipat ng ibang school. sayang kasi mababawasan na naman kami - wala na sila palagi kapag kakausapin mo, hihingan ng tulong, at kasama sa mga lakwatsa. wala na hindi na kumpleto.
ilan sa aking mga kaibigan ay nagbigay ng post birthday gift. ang ganda niya at hindi ko inaasahang magbibigay sila ng ganoon. isa itong mp3 set, kulay asul, cute[?] at hmmm, eh basta maganda siya tignan ko kung malalagay ko rito iyong itsura niya. maraming salamat sa inyo pat, chari, gin, keej, chut, aron, aia, paula, gersel, rj, paulo, at hiro.
birthday post
"alam kong masyado pang maaga pero baka kasi ako tamarin gumawa mamaya eh.
“MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT – sa Diyos, sa aking pamilya, highschool classmates and friends, jabviccck, 2d-mt, at ang aking mediartrix family. at lalong lalo na sa mga hindi nakabati, nakalimutan man o hindi.”
hindi ako naghanda ngayon kasi ramdam ko lang na ‘wag ngayon. emo nga ako ngayon sa bahay eh, nakikinig lamang ng tunog sa fame movie[ganda.ganda] at nagbabasa ng rave manga at nagffacebook at nagyym.
dahil ang aking kaarawan ay kung kailan dumating ang bagyong santi, maging maayos naman sana ang kalagayan ng mga nasalanta at masasalanta.
ay may ikkwento pala ako sa inyo[mga ilang bisita ng blog na ito], isang maganda at isang panget. unahin muna natin ang panget, super bumaba ang grades ko ngayong sem nakakalungkot lang pero babawi na lang ako next sem.:)). para naman sa magandang balita, napakaganda ng sched namin kasi napakaluwag niya at ito siya:
mondays: 7-4 may two hours lunch
tuesdays and thursdays: 7-12 tuesdays ang pe 3-5
wednesdays: 7-5 ay two hours lunch na naman
fridays: 7-1
hopefully, makakuha sana at payagan akong sumama kay ate sa dorm o apartment.
happy trick or treating.:D"