Saturday, November 7, 2009

buhay up

hindi naman ako isang iskolar ng bayan. ako'y pumunta lamang dito upang makasama at makita ang aking mga kaibigan at maranasan ang buhay sa up sa enrollment.

ang saya ng gabing 'yon. inalala namin iyong mga buhay namin nung kinder, grade school, at high school, at pinag-usapan din ang ilang mga tao. natulog ata kami ng mag-5 ng umaga at gumising ng mga 9 ng umaga upang makapag-enroll. noon ko lang napagtanto na napakaraming bagay na akong hindi alam tungkol sa kanila, sobrang dami talaga. namiss ko sila ng sobra pero ayos na kasi nakita ko naman na ulit sila. hehe.

edi ayun, umaga na. gumayak na sila at sumama ako sa kanilang mag-enroll. grabe talaga ang paglakad kahit na medyo sanay na ako maglakad ng mahaba, nakakapagod pa rin talaga. natapos naman nilang mag-enroll pero hindi pa nakakapagbayad ng tuition.nakakapagod pala mag-enroll sa up, lakad lang ng lakad pero pwede naman mag-jeep.

nakaalis kami ng up ng mga 6 ng gabi, ang dilim na eh. may bungangerong drayber nga lang kaming nasakyan dahil presyong estudyante ang ibinayad namin sa jeep. pwede na nga siyang maging prof o kaya maging pari sa haba ng mga pangaral niya eh[kainis]. bumaba sila ng trinoma, at ako sa sm. umuwi kami ng magkahiwalay.

wah! hindi masyadong maayos iyong post pero 'yan na halos ang nangyari sa pagtigil ko sa up. kapag nagsipag ako upang makapunta ulit diyan, punta ako sa pasukan. *smile*

No comments:

Post a Comment