ang init ngayon. hindi ko na namamalayan kung mabagal nga ba o mabilis ang takbo ng oras. papalapit na ang pasukan, sa totoo nga na-extend na naman ng isang araw, naeexcite ako. sayang nga eh, hindi produktibo ang aking bakasyon. lalo ko pang sinisira ang mata ko sa panunuod ng t.v., at paggamit ng kompyuter. alam mo yun araw-araw parehong gawain pa rin ang gagawin mo. tapos andyan pa yung mga utos, sermon at mga kwentuhan na sa caloocan'y minsan mo lang maririnig.
nakakamiss din pala ang baliwag. tapos nagrereklamo pa ako tuwing papupuntahin ako sa isang lugar, minsan na nga lang ako mauwi rito eh tapos ganun pa rin ginagawa ko. nakakakonsensya lang. pero rito, lagi kang inaasikaso. hindi mo na kailangang problemahin ang pagbili ng pagkain kung wala na kaso andyan naman ang walang katapusang pagdalaw ng mga alikabok sa bahay na pinapaalis namin sa bawat pagdalaw. isang routine na talaga 'to kapag nauuwi ako sa baliwag.
*condolence ivan
*goodluck sa atin sa second sem.
*magiging masipag din tayo para mag-aral
*gusto ko mag-audition sa danzfuzion kaso hindi ko alam kung paano nga ba gagawin ko. baka pagsisihan ko pa na sumali ako at magsuffer ang acads ko, pero baka pagsisihan ko rin ang hindi pagsali.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment