Monday, December 31, 2012

Cheers to the 2012!

A world that should have ended yet not! Living for another year.

Happy 2013 na bukas! Weeeee!

Friday, December 28, 2012

Oozing with kasipagan

Sobrang nasa mood ako ngayon na ayusin ang buhay ko! Sobrang sipag ko ngayong araw at sana tuloy-tuloy pa. Ito iyong kulang kong Vigor based sa psych test na ginawa sa amin nung pasukan. Tungkol dun well balanced naman akong tao except sa self-esteem, personal relation, vigor at napakarami pang iba. Iyong tatlo dyan, personal relation lang talaga ako banong-bano. Hindi kasi ako ma-PR, which is the worst thing. Ayun basta sana mabago ko lahat yan! Weeee!

Maraming salamat po sa kasipagan ngayong araw, sana tuloy-tuloy na talaga until the end of my life!

To PRODUCTIVITY!

Iilan lang kasi kaya kong gawin sa mundong ito. Napakalimitado ng mga maaari kong gawin at ngayong gabi ay nakita ko na sila. Sa katunayan nga ay hindi ko ginagawa lahat para naman may magawa ako sa iba pang mga araw. Less than a week na lang at papasok na naman. At natutunan ko na rin magdownload sa torrent. Yep! Ganun ako kabano. Nakakafrustrate nga e, every year tumataas ang degree/level ng frustrations ko. hoho. Kumusta naman iyon? Isama mo pa ang sira kong phone na hindi tumatanggap ng sim card ko. WTF! At ang hiniram na phone ay may nakabukas na icon sa taas ng screen at hindi ko alam kung ano ito kaya ayun pinatay ko na lang. Baka net iyon, kaboom ako kasi unlimited pa naman ung line na pero limit ay 500 lamang. Basta plan 500 iyon ata! At good news, more and more and more and more and more and more things are fading away. Hihihi. It's just a matter of time na mawala na silang lahat. :)

K ANIME
Every Friday lang ito pinapalabas sa Animax na kasabay ng pagpapalabas nito sa Japan. Yes, ganun kaawesome ang Animax! At ang latest ay nasa episode 12 na. Ibig sabihin 3 buwan akong hindi nakapanuod nito. Pero nakapanuod naman talaga ako nito kahit pakonti-konti lang kasi syempre magbubukas ka ng tv tapos manunuod ka tapos mattyempuhan mo pang ito palabas so basicaly manunuod ka, hindi ba? Ayun eh ayoko naman hindi manuod kasi hindi ka 'cool' kung hindi ka nanuod. NAH! Biro lamang iyon. Gusto ko lang talaga manuod. Siguro ang anime ang version ng mga movies sa totoong buhay. Ang hirap kasi halos wala or konti lang ang kakilala kong tao na mahilig sa anime, ANIME hindi cartoons, okay? Or kung makakita man, hindi pa parehas ng interes at pagkagusto sa mga anime. Basta iba iyong preference.

Syempre, MED. May mga bagong kaibigan or kabarkada or kasubsec na kaibigan/kabarkada. Actually, kaclose na nga ito e kaso taena pare! Nag-inarte ba naman sa akin. Ganito iyong kwento. Thursday night, christmas party ng section D. Kainan, laro, swimming, kwentuhan, tawanan at syempre inuman. MEOS! Eh medyo matagal na ako hindi naiinom so humina na ulit ang tolerance ko pero alam ko kung kailan titigil, okay? Alam ko limitasyon ko. Alam ko kung kailan na ako lasing at susuka. Isang beses pa lang naman ako naknock out e. Hohoho. So ayun, gabi na or madaling araw na nakauwi ng bahay. Pagkagising mo syempre medyo hilo ka, hilo kayong lahat except sa mga pacool na tao na pumunta lang at nanuod, sana kung tumulong kaso hindi e. :) Ang nangyari ay, Friday na syempre, hindi ako gumalaw. Wala akong pakielam sa mundo. Ni Paskuhan nga hindi ako umattend. First Paskuhan unattended. Wooo! At Friday rin ang END OF THE WORLD daw. End of the world party NAMIN! So wala mga nag-aaya umalis or pumunta ng Paskuhan kung mag-aya man, WALANG KWENTA! I mean hello kung gusto mo pumunta dyan ayusin mo ang pag-aya sa mga tao! So in the end hindi na ako pumunta. Aba itong si "PACOOL" na manang, sinabihan ako ng flaker! Yah whatever you say. Hindi ko man alam word na yan, using context clues uhhhhh siguro ibig sabihin nun barbero in a Filipino term no? Blah.blah.blah. Ang huling reply ni manang,

'tse. ewan ko sa'yo.'

Yan ang linya ng mga wala nang masabi. tangena mo! wag mo talaga akong aartehan. Sa lahat ng tao, ako ang wag mong ganyanin. Naneneryoso ako. Hanggang ngayon nga kapag naiisip ko pa rin kaepalan mo, nagagalit pa rin ako. pero tsaka na ang New Year's Resolutionsssssss[na hindi naman natutupad]. At ito pa, syempre makakapunta ka Paskuhan, eh hindi ka naman uminom nung x'mas party eh! Malapit ka lang kasi sa UST e! Hindi ka kasi uwian eh! At first time mo naman makapunta e! Taena mo ituloy mo pa yan sa pasukan, aandar na ang pagiging tarantado ng utak kong ito. Hahahaha. Yes nagmumura ako. 

Kasi may mga tao sa party na pasosyal ang dating. Gagandahan ang damit, hindi naman iinom. HUH?! Seriously, kaya nga party iyon e para uminom. Naman! Wag kang pacool. Nanunuod ka lang e! At hello iinartehan mo ako eh nakapunta ka naman sa party. Ano ba manang ka na e, hindi mo pa rin naiisip iyon. Hindi ko alam kung bakit nga ba natitiis ka nung isa pa nating kaibigan. Siguro sobrang baba lang talaga ng tolerance ko sa mga ganito. Anyway, depende lang naman ito e. Kung itutuloy mo ang napakaganda mong gawain sa pasukan, humanda ka na. Kung hindi naman, okay, friends pa rin :)

Friday, December 21, 2012

End of the world!

December 21, 2012. The world should be ending right now yet not. This is the start of a life long frustration. This season of the year when literally the year is about to end and another one to start with. No gain. No trust. No win. This pile of shit continuously crumble and spread into a world of nothingness. Where you can't see a glimpse of light. You desperately gasp for air and can't muster any of it. Yes, this is a goodbye. a farewell.

Goodbye. Goodbye!

Sunday, December 16, 2012

Ihi Mo, Aral Ko

So true bilang isang medtech graduate/lisensyado. Kahit na hindi ako practicing, sa summer makakapagtrabaho na rin ako [SANA!] Dagdag ipon din iyon, kailangan ko nang mag-ipon para sa sarili ko. Malapit na ako mag-30s in a few years like 9 yrs pa pero the hell, kailan pa ako kikita sa pinasok kong ito? Matagal pa! Sobrang tagal pa at malayo pa ang lalakbayin upang maipangkayod sa sarili.

Renal Physio exam namin bukas. Wow, renal chicken lang, medtech e pero nagkakamali ka. Naaral na nga natin 'to pero sobrang kulang pa! Parang masasabi ko kasi na sa college memorize lang ng memorize wag mo na intindihin, marahil sa akin lang to applicable kaya kasalanan ko ito. Ang hirap kasi na dapat every little detail alam mo. Ganun sa med.

Sobrang pagod na ako 1 week na lang at bakasyon na pero gayun pa man ay dapat pa rin mag-aral kasi less than 2 weeks lang bakasyon namin at kumusta naman pag pasok namin ilang araw pa then shifting exams na. Hindi naman sa pagiging corny or baduy or nerd pero hindi pwedeng bumagsak e. Kailangan ko nang i-redeem kahit paano ang sarili ko dahil hindi ko kayang makipagcompete sa iba. Kailangan kong makipagcompete sa sarili ko upang mahigitan ko pa ang dati kong ginagawa pero sadyang wala lang talaga akong motibasyon sa ibang araw. Yes, inaamin ko naman na masipag ako. Hahaha. Pero parang nauubos siya e, masipag ngayon, sobrang tamad bukas, lalong tatamarin kinabukasan, at kapag exam na magsisisi kasi hindi nagsipag. Ganun un e. Kaya ayun dapat talaga magsipag or sumipag man lang.

Gusto ko na rin magdorm! Seryoso! Sobrang laking oras ang kinakain ng byahe ko. 

Sunday, December 2, 2012

Lend me your hands!

Dahil sa sobrang kasipagan ko bumili ako ng record notebook iyong makapal, para dun na lang ako magsusulat ng mga notes. Yes ganun na ata ako sumipag at kakatapos ko lang magtranscribe ng 2 hours na lecture ni Laygirl. And ayun feel ko tuloy sobrang productive at fulfilling ko except kahapon medyo wrong move ata ang aking pagsama sa party. Pinairal ko kasi ang aking damdamin. LOL. Sana ngayon mas marami ako natapos, right? Anyway at least nakapagpasaya ako kahit konti. Never will I ever do that again.