Friday, September 30, 2011

Bye September!

Sa pagtatapos ng Setyembre ay nangunguhulugan ng pagtatapos ng aming Internship 1. Paalam SJ, mamimiss kita. Paalam sa mga staffs. Paalam sa aking mga co-interns. I love you Group 3 and 4. Kahit na 4 lang kaming nahiwalay at magkakasama ang mga natira sa forever-masaya na ospital na JR, magkikita pa rin tayo! Hello offs namin. Ay mali, hindi pala muna ako dapat magsabi nito kasi bukas pa tapos ng duty namin. Hello night duty! May enrollment nga kami ngayon at hindi pa ako gumagayak. Hahaha. Bukas na lang ako magkkwento about sa mga naranasan ko ng mga nakalipas na araw. Nakakaiyak nga iyong huli kong nagawa e. Anyway, next time ko kwento. Sa October.

Sige kailangan ko ng gumayak.

Sana maging happy last day of the month to!

Wednesday, September 21, 2011

HANGOVER

Martes kahapon at parang ang dami kong nagawa. Hindi lang pala nagawa, maraming nangyari. Hinatid ako ni kuya papasok. Kahit na isang klase lang ang meron kami kahapon ay naging maayos naman ito. Walang quiz, nakapagreport na kami. One down sa 'to-do-list'.  Wala naman talaga akong ganun listahan e pero siguro ay nasa utak ko na mga dapat kong gawin kasi kailangan sila para makapasa ako sa 2nd sem. Kumain kami sa Big Martha tapos nagbihis ng corporate attire at habang naghihintay ay binigay sa akin ni Kuya Gelo ang reviewer sa CC. Overwhelmed sa info. Maraming salamat Kuya Gelo! Career seminar naming mga medtech. May guidance councilor, pathologist mula sa aming SJ, at medtech. Sila ang mga speakers. Sa kanilang tatlo mas nainspire ako sa medtech na speaker kasi ba naman ang dami niyang nagagawa tapos ang laki pala ng sweldo sa UST Pay. Hahaha. So kung dun ako magtrabaho, better hindi ba?  Tapos pumunta kami kala Rj para kuhanin tsinelas ko at diretso na ako sa meeting. Hello Mr. Sci-tech editor, kailangan mo nang gumawa ng mga articles kasi ikaw lang magsusulat ng mga iyan unless may contributor ka. Goodluck naman sa'yo. :) Deadline 2nd week of October. Please hurry up! Meron ka pang thesis ha? at quizzes? at shifting exams?

Ito na ang best part kahapon. Niyaya ako ng mga SanLazaro uminom. Ayos lang naman sa akin e kaso parang ang gastos ko na. Hahaha. Puro inom na lang. Beh. Tapos nung niyaya nila ako, kagad nilang sinabi na kasama si crush. Alam na alam nilang iyon lang ang magpapasama sa akin. Sige fine, sumama na nga ako. Sa Balay[first time ko kasi dito], maraming tables at konti pa lang mga tao. Andun iyong mga Sanlazaro at iyong mga FMT. Tapos may 2 bakanteng upuan, umupo si RJ sa isa at ako naman sa bakanteng upuan katabi ni crush. Set-up pero wala akong pake. Una, hindi ako masyado nakikipag-usap pero habang tumatagal casual talks. Fun. Hanggang sa mabangag na ako. Pinilit ko na nga lang ihatid sila ay mali, ihatid pala ako sa Lacson gate. Pero basta masaya kagabi at ito ako ngayon nagbblog, semi-bangag at malapit na gumayak para pumuntang MOA. Bonding kami ni Ten e. :)

Bye Bleu!

Thursday, September 15, 2011

ONE CLICK AWAY!

Natutunan ko kay Ailaness ay wag ako masanay na kausap lang si crush sa text/chat. Ganun na ginagawa ko ngayon, as much as possible ay hindi ako magtetext o chat. Hayyy. Last Tuesday pala, binigyan ako ng napakaraming nasayang na oportunidad para makausap si crush. Tipong ayan na sa harap mo iyong hinahanap mo, hindi mo pa nakita. Nakausap ko siya casually kahit paano. Improvement na iyon, right? Kinabahan nga ako nung sinabi sa akin ni friend 1 na si crush ata iyong tipong kapag nalamang may crush sa kanya, lumalayo. AWTS! Iyon kaya ang isa sa mga pinakamasakit na feeling sa mundo. Ang layuan. Nakalunch ko naman siya. Nakuha ko naman siya ng tubig. Nakausap at nakatabi ko naman siya. Nakakakaba pero ayos lang. Masasanay din siguro ako. Tapos nalaman ko rin pala crush ni crush. Ayun, iyak ako. hahaha. Ako at si crush's crush. Walang-wala ako pramis! Kumbaga, diyos siya. No need to mention names. Bawal name dropping in certain times.

HONING MY EXTRACTION SKILLS: Ang saya ko lang. Nakailang extractions ako kanina. Evacuated method. Ahem ahem. Sa totoo lang mas masarap gumamit ng evacuated kasi hindi mo na kailangan i-pull ang plunger. Less hassle. Ang problem lang ay kung hindi mo ma-hit directly ang vein. Umiyak ka na kasi nauubos na iyong vacuum sa loob ng tube mo. Pero buti na lang malalaki ugat nila. STRONG! Siguro pitong extractions na lang ang kailangan ko for evacuated. :) FUN and TOXIC. Bakit ba lapitin ako ng mga ingliserong pasyente? Amp. I feel so stupid for not being able to speak in straight english. It's like I don't speak english for a very long time. Oh well.

I can't multi-task for a long time.

Saturday, September 10, 2011

Happy ba sa World?

Nakita ko na kahapon kung saan 2nd in ko. WORLD CITI MEDICAL CENTER. Tumatangginting na font ang nakalagay. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya dahil dyan ako o hindi. Masaya kasi marami naman kaming galing from SJ dito kaso ang problema hindi ko naman sila kagrupo. Nyek! Kung choose your own groupings, fine. FUN iyon. Masaya na ako sa World pero mukhang hindi e. Alphabetical daw. Ang lonely nun. Masaya naman ako dito kasi andun iyong crush ko. May possibility na maging kagroup ko siya kung maraming v/w/x/y/z na surnames ng mga medtech interns next sem. Pero sana talaga maging kagrupo ko siya. Hahaha.

Ayun goodluck to me! pero before that, kailangan ko munang ipasa lahat ngayong 1st sem. :)

Wednesday, September 7, 2011

first attempt: FAILED!

First Tuesday for my attempt and I failed. Yes. Loser! I said to myself that I will just say bye to her after classes but the thing is they have group meeting and there is still this awkwardness. Hahaha. Basta if the time comes where I could talk to her freely, I will be so super duper happy. I wish too that she would be the first one to pm or tell something so random. :)

Monday, September 5, 2011

Partying and Make-ups

Ito na naman ang aking sakit na hindi magkwento at magblog ng ilang araw. So nung Sept 3 pumunta kaming ADHOC, isa itong college party parang Knowckdown. Yes. Mas masaya nga lang sa ADHOC kasi mas maluwag, malamig at maraming booths for free-flowing drinks. Hehehehe. Pero still, partying is not my thing. Hindi ako nagsasaya e. Parang iba talaga gusto nila sa gusto ko. Nakakapagod tumayo, gumalaw at higit sa lahat hindi pa malinaw mata ko nun kasi wala akong salamin. Syempre para hindi magmukhang nerd/geek. :p

Kahapon naman ng galing kami sa party ay natulog ako ng 3 oras. Hirap na hirap ako gumising kasi 8am kami kahapon. Ay nagtaxi nga pala ako pauwi. Bye 150 pesos! Ayun dumuty kami, not toxic. Hindi na nga ata kami toxic e at nagmake-up ako ng 3-7pm. Ayoko na magmake-up nakakapagod. Kahit walang ginagawa, benign kasi kami, right? Inantok tuloy ako at nakatulog ng 10mins. WOAH! Ayun ang tagal ng 4 hours kapag PM! Okay sorry na, sa 8-12pm na ako magduduty. Pramis! Umulan pa nung pauwi na kami, great!

I need to talk to crush tomorrow kasi we're like texting sometimes. I just need a casual talk with her para fun, you know. Hahahaha. Amp. Please help?