Natutunan ko kay Ailaness ay wag ako masanay na kausap lang si crush sa text/chat. Ganun na ginagawa ko ngayon, as much as possible ay hindi ako magtetext o chat. Hayyy. Last Tuesday pala, binigyan ako ng napakaraming nasayang na oportunidad para makausap si crush. Tipong ayan na sa harap mo iyong hinahanap mo, hindi mo pa nakita. Nakausap ko siya casually kahit paano. Improvement na iyon, right? Kinabahan nga ako nung sinabi sa akin ni friend 1 na si crush ata iyong tipong kapag nalamang may crush sa kanya, lumalayo. AWTS! Iyon kaya ang isa sa mga pinakamasakit na feeling sa mundo. Ang layuan. Nakalunch ko naman siya. Nakuha ko naman siya ng tubig. Nakausap at nakatabi ko naman siya. Nakakakaba pero ayos lang. Masasanay din siguro ako. Tapos nalaman ko rin pala crush ni crush. Ayun, iyak ako. hahaha. Ako at si crush's crush. Walang-wala ako pramis! Kumbaga, diyos siya. No need to mention names. Bawal name dropping in certain times.
HONING MY EXTRACTION SKILLS: Ang saya ko lang. Nakailang extractions ako kanina. Evacuated method. Ahem ahem. Sa totoo lang mas masarap gumamit ng evacuated kasi hindi mo na kailangan i-pull ang plunger. Less hassle. Ang problem lang ay kung hindi mo ma-hit directly ang vein. Umiyak ka na kasi nauubos na iyong vacuum sa loob ng tube mo. Pero buti na lang malalaki ugat nila. STRONG! Siguro pitong extractions na lang ang kailangan ko for evacuated. :) FUN and TOXIC. Bakit ba lapitin ako ng mga ingliserong pasyente? Amp. I feel so stupid for not being able to speak in straight english. It's like I don't speak english for a very long time. Oh well.
I can't multi-task for a long time.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment