Tuesday, June 28, 2011

BVGV

Kahit na maraming pangit na bagay ang nangyari ngayon ay naging masaya naman. :)

 Sa totoo kaya gising pa ako ay dahil nagpapakanerd ako mag-aral ng isang subject na medyo madali yet mababa ako. Nakakainis kasi na nagbigay ka talaga ng malaking effort para mag-aral tapos during quiz ay makakalimutan mo sila. Hindi ba? Nakakafrustrate talaga! Nakakainis! Sobra! Tapos ito pa may pasyente kanina, parang pinagpipilitan niyang mali kami. Sinulat niya kasi Laurence, which is Lourence dapat. So ayun, binigay ko iyong result tapos nagtatanong siya kung bakit ganito kesyo ganito ganyan. Aba sinabihan pa ako kung pwede makita iyong request form?! The nerve! Parang sinasabi niyang ako ang mali sa pagtytype which in fact siya iyong may mali kung bakit naging Laurence ang pangalan kung sino mang hinayupak na iyon. Nakakagigil lang talaga iyong mga ganung pasyente. Edi nung pinakita ko, sabay sabi, "Oo nga no. Bakit kasi hindi ko nakita iyon nung una pa lang?" [Medyo ganyan iyong thought kasi naiinis ako so hindi ko tinandaan. After nun ngumisi ako, ngisi hindi ngiti ah] Ayun. So napahiya siya at pinataas niya BP ko. Mga pasyente naman kasi, kung magsusulat kayo iyong matino. Kung n, mukhang n. Kung ri, mukhang ri. Taena kayo, magrereklamo na mali iyong name pero kayo may kasalanan kung bakit hindi maintindihan ng encoder. Sorry for the words pero nakakainis lang talaga.

Ito pa isang malaking frustration ko. Wala na nga kami ink sa printer. Napakakupad pa ng computer. Naglalag pa. Amp! At dahil dyan, inaantok na ako baka maaga ako mamatay. Goodnight Bleu! No late later sa pagpasok.

Sunday, June 26, 2011

Argh!

Mailabas ko lang lahat ng hinanaing ko. Bakit kung kailan kailangan na kailangan ng printer tsaka mawawalan. Gusto ko na talaga magtake ng initiative para bumili ng ink tapos nawawala pa iyong refill ng color black. Wah!!!! Kailangan ko talaga magprint, mahal kasi sa labas.

How's internship? Masaya pero nakakabobo e. Sorry paulit-ulit ah. Ewan basta nakakatanga. Nakakakalawang ng utak ang internship kasi puro duty ka lang and Tuesdays lang ang may pasok ka. Ang hirap kaya nun. Ang masaya sa lahat, lapitin ata ako ng disgrasya/DEMERITS! Twice na ako nakakatapos ng specimen although urine lang naman iyon pero the hell! kaboom ako kung natapos ko lahat iyon db? Hahahaha. Hassle pa maglinis ng ihi sa working area. Hay. Oh well! Tapos mukhang nabadshot ako sa isang staff, isang higher-up. I'm so deads! At syempre ipaglaban ang MERIT! Majority kasi ng dahilan kung bakit kami pumasok nung bumabagyo is dahil sa merits pero syempre dahil din sa duty. Nakakaamaze kasi ang Group 4 nung PM duty kami, pumasok silang lahat kahit basang-basa na sila at bumabagyo at baha na. Ang masaklap after duty 4 hours lang binigay sa amin. Syempre nagtatampo rin. Tapos kinabukasan nung pumasok kami ng Night duty aba ang mga pumasok 10 HOURS?! HA?! WTF iyon! Ang unfair, hindi ba? Luging-lugi kami nun. Ni hindi nga masyadong umuulan nung araw na iyon e, mas baha pa nga nung pumasok kami e tapos 4 hours lang?! So kung dadagdagan iyong 4hours namin ng ilan pa, masaya na kami pero syempre kailangan din kaming bigyan ng 10 hours ulit dahil pumasok kami due to heavy rain, right? Hindi na muna ako magsasabi baka maudlot pero dapat talaga meron. Ayun lang naman reklamo ko. Hehehe.

Dahil ako'y isang matinong Katoliko, hindi pa ako nagsisimba for two straight weeks. Wahhh! Sorry po talaga.

Naghihirap na pala ako plus tumataba ulit. Hahaha. Cost-cutting it is! Tipid para pumayat. 

Wednesday, June 22, 2011

Ang tagal kong nawala, 11 araw. I miss you Bleu and I miss my histopathmates, Mikee and JR. Iyong mga araw na pinoproblema mo na hindi ka toxic, ngayon gusto mo na ulit bumalik. Nakakatamad kasi dahil paulit-ulit ang ginagawa mo sa isang araw. Like 21 days pa un. :| And nadepress ako kasi mababa nakuha ko sa quizzes ko nung Tuesday. Sorry may pagkaGC kasi ako. Sorry na. Ang tamad ko kasi mag-aral, ay mali, nag-aral ako ng Lab Mgt pero nawala sa isipan ko ang ilang mahahalagang bagay at dahil dun nawala ang mga puntos na iyon sa akin. May AIM kasi ako ngayong year na kailangan kong maabot. As in kailangan.

Kanina pala sa CM habang nagdidiscard ako ng mga urine, aba natalsikan ako ng ihi. Kadiri syempre pero no choice na e. Naghugas na lang ako ng mukha. Hayyyy! Tapos konti na lang at tapos ko na Fecalysis ko. Yeyeyey! Bilis naman. Sana sa night duty dumating kayo mga tae. 

Maglulunch kami ni Mikee bukas. Saya! Nakakamiss kasi na konti lang kayong kumain ng lunch. Hehehehe. Buko pandan it is or cake? Hmmmm. Nyamnyam


Saturday, June 11, 2011

Fast Shifting

Medyo napansin ko lang na ang bilis ng shifting namin sa section. Ewan parang kumbaga eh kulang iyong mga linggo para mapraktis mo iyong isang section. Like sa histopath, less than 3 weeks lang kami dun yet parang ang tagal naming andun. Sa bacte naman ngayon ay more than 3 weeks siguro kami tapos parang 2 weeks lang iyong tinagal. Maaaring mas nagsaya ako sa bacte pero hindi pa rin e. Histopath pa rin ang No. 1 sa aking puso. Chos! Last day ko na nga pala sa bacte section bukas. Mamimeet ko na rin mga walang katapusang tae at ihi for 21 days. :) Goodluck to me! Please sana Jose Reyes o San Lazaro na lang next in namin. Ayoko na sa World Citi. I want to learn and have fun sa internship ko eh.


Kainis, bakit ang daming eat-all-you-can ngayon. Chef  'd Angelo at Max's. Mas mura sa Chef tapos 3 foods pa andun samantalang ang Max's ay mas mahal plus isang food lang. Oh well. Kakainan na lang pareho. I'm willing to spend my money eating. Hahaha.

Tuesday, June 7, 2011

First Tuesday Class

Sana pumasok na lang kami ng 4pm. Biruin mo 11am kami pumasok at walang prof. Wtf! Ang sakit pa rin ng kamay ko, unbearable. I'm so deads bukas kay sir. Hayyyyy. Ang ganda pa rin ni nastak kahit sa personal. More closeness pleasr. Kanina sa seminar, nagpayabangan ang SJ, JR, Sanla. Syempre based sa mga kwento, San Lazaro talaga panalo. Nakapunta na kasi ako dun once at ang ayoko sa kanila ay ang init. Tapos sa ward, ayun kailangan naka 3 mask ka eh kapag humihinga ka pa, nagiging foggy iyong salamin mo. Pero overall masaya dun tingin ko. Plus i want the baby venipuncture experience. hahaha.

*No patients dying on me. Please. I might face the demerits. :|

Wall CLimbing

ang sakit ng kamay ko. pramis. iyong tipong hindi ko mabuksan pintuan ng kotse ni epoy plus hindi ko mabuksan iyong takip ng inuminan namin sa bahay okus hindi ko mabuhat iyong ilang mga bagay. para akong naggym pero mas masaya sa gym. narealize ko kahapon na it's better than going to gym. super work-out kasi nun. katawan ang kailangan mong buhatin at dapat nacocontrol mo leg muscles na in my case, i don't know how to fully control it. yes. medyo disoriented ata ang sense of control ko. basta mahirap para sa akin iyon. :))) pero it's fun. kung hindi ko lang sana ginamit ang aking kamay sa pagbuhat, kaya ko pa e. as in ang sakit niya. hahaha. til next time wall climbing.

CLIMBING! CLIMB ON!

Friday, June 3, 2011

Bacte Fun!

Ang saklap ng duty ko kanina. Ang toxic kasi mag-isa lang ako. As in toxic talaga kasi ang daming ginagawa plus darating iyong specimens tapos gagawin mo iyong requests. Nabad shot pa ako kanina kasi hindi raw ako maingat sa pagstreak sa MHA. Ha? Eh ewan ko kung ako ba talaga gumawa nun, I DOUBT pero they are the boss. Tapos sangkatutak na mali ang nangyari sa printing, wala kasing word na Bactec. Hahaha. Nakagamit ulit ako ng typewriter funfun. Tapos nagpapaulan ako ng 2 antibiotic disks. Grabe 10 pesos bawat isa nun?! WTF! Mahal-mahal naman.

Pero kahit na ganyan ang araw ko, masaya pa rin. Kapag duty kasi sa bacte namin, dapat kang mag-aral kasi hindi pipirmahan ni Sir Eugene iyong practicals mo kapag hindi mo nasagot. Pasensya na magiging medyo nerd lang ako. Tinanong sa amin ano ang bacteria na pwedeng tawaging Blue pus? Ewan ko basta yan. Sagot P. aeruginosa. :) Ilang percent ng chocolate nilalagay sa CAP? 0%! Ito iyong mga take home questions namin.

Koch's Postulate: Ang isang microorganism ay marami sa mga may sakit at WALA sa mga healthy na individual. Ito ay dapat i-isolate sa taong may sakit at ilagay sa pure culture. Ang microorganism na ito, kapag nilagay sa isang test animal ay dapat magproduce ng sakit sa test animal na ito. At dapat magkapareho ang maiisolate na microorganism sa una at dun sa test animal. Sorry medyo hindi comprehensive akong magexplain. Medyo magulo basta yan ang thought.

All cocci are gram positive except Neisseria, Branhamella, Moraxella, Veilonella, Acidaminococcus, at Megasphaera.

All bacilli are gram negative except Bacillus, Clostridium, Corynebacterium, Listeria, Erysipelothrix, Arachnia, Eubacterium, Lactobacillus, Propionibacterium at Bifidobacterium.

Review ko na rin to. Sorry sa nerdiness. Para lang siguro mas maalala ko. :) Free time pa naman. Malapit na ulit magduty. :))))))

Wednesday, June 1, 2011

1/2 of a year

Kagabi kasi narinig ko sa radyo na kalahati na ng taon ngayon at oo nga naman. Nakatapos na ako ng half a year, half a year to go 2012 na at konting buwan na lang nun magiging graduate na ako. Yieeee. Medyo matagal pa pero kaya yan! Kahapon grabe iyong meeting namin sa Purple Gazette. Hindi kasi ako iyong taong madaldal. I can't be a leader. Sure yun. Ayoko mag-isip for the group pwedeng pagawain niyo na lang ako at I will do my very best para maging maayos.

Moving on. Sayang hindi kami nakapagwall climbing kagabi kasi 8 na kami dumating and 9 daw sila magsasara. Mabibitin lang kami and true nga. Pero pramis it looks very fun! Baka kaya ko iyon kasi lahat na ata ng muscles ko naipon sa binti at hita. Hahaha. Since ganun nga ang nangyari, nagjog na lang kami sa UP. Wahhh! Nakakapagod pero ang saya. Sa totoo lang, masasabi natin na first time ko iyon. Hahaha. I know, loser ako. I think it will take almost 30 minutes para sa isang lap or maybe sadyang mabagal lang kami. Hahaha.

Nanunuod ako ngayon ng Pinoy Biggest Loser. Naisip ko lang na sa lahat ng mga nagpapapayat, wants to have healthy living. Kailangan lang talaga ng will power para gawin mo ang mga dapat gawin. Syempre kailangan rin ng pera kung gusto mo maggym? Pero pwede rin naman ang natural na paraan, like akyatin ang stairs ng Main building. Hahaha. or magjog ka na lang forever. Hayyy. Inspiring.

Parang ang tagal ko nang hindi nagpopost dito Bleu. Sorry naman kasi parang pareho lang mga kwento ko sa'yo. Don't worry, I have twitter naman. Nababalitaan kita lalo dun. Hihi. 8pm pa pasok mamaya hanggang kinabukasan na ulit iyon. Woah?!