Wednesday, June 22, 2011

Ang tagal kong nawala, 11 araw. I miss you Bleu and I miss my histopathmates, Mikee and JR. Iyong mga araw na pinoproblema mo na hindi ka toxic, ngayon gusto mo na ulit bumalik. Nakakatamad kasi dahil paulit-ulit ang ginagawa mo sa isang araw. Like 21 days pa un. :| And nadepress ako kasi mababa nakuha ko sa quizzes ko nung Tuesday. Sorry may pagkaGC kasi ako. Sorry na. Ang tamad ko kasi mag-aral, ay mali, nag-aral ako ng Lab Mgt pero nawala sa isipan ko ang ilang mahahalagang bagay at dahil dun nawala ang mga puntos na iyon sa akin. May AIM kasi ako ngayong year na kailangan kong maabot. As in kailangan.

Kanina pala sa CM habang nagdidiscard ako ng mga urine, aba natalsikan ako ng ihi. Kadiri syempre pero no choice na e. Naghugas na lang ako ng mukha. Hayyyy! Tapos konti na lang at tapos ko na Fecalysis ko. Yeyeyey! Bilis naman. Sana sa night duty dumating kayo mga tae. 

Maglulunch kami ni Mikee bukas. Saya! Nakakamiss kasi na konti lang kayong kumain ng lunch. Hehehehe. Buko pandan it is or cake? Hmmmm. Nyamnyam


No comments:

Post a Comment