Ang saklap ng duty ko kanina. Ang toxic kasi mag-isa lang ako. As in toxic talaga kasi ang daming ginagawa plus darating iyong specimens tapos gagawin mo iyong requests. Nabad shot pa ako kanina kasi hindi raw ako maingat sa pagstreak sa MHA. Ha? Eh ewan ko kung ako ba talaga gumawa nun, I DOUBT pero they are the boss. Tapos sangkatutak na mali ang nangyari sa printing, wala kasing word na Bactec. Hahaha. Nakagamit ulit ako ng typewriter funfun. Tapos nagpapaulan ako ng 2 antibiotic disks. Grabe 10 pesos bawat isa nun?! WTF! Mahal-mahal naman.
Pero kahit na ganyan ang araw ko, masaya pa rin. Kapag duty kasi sa bacte namin, dapat kang mag-aral kasi hindi pipirmahan ni Sir Eugene iyong practicals mo kapag hindi mo nasagot. Pasensya na magiging medyo nerd lang ako. Tinanong sa amin ano ang bacteria na pwedeng tawaging Blue pus? Ewan ko basta yan. Sagot P. aeruginosa. :) Ilang percent ng chocolate nilalagay sa CAP? 0%! Ito iyong mga take home questions namin.
Koch's Postulate: Ang isang microorganism ay marami sa mga may sakit at WALA sa mga healthy na individual. Ito ay dapat i-isolate sa taong may sakit at ilagay sa pure culture. Ang microorganism na ito, kapag nilagay sa isang test animal ay dapat magproduce ng sakit sa test animal na ito. At dapat magkapareho ang maiisolate na microorganism sa una at dun sa test animal. Sorry medyo hindi comprehensive akong magexplain. Medyo magulo basta yan ang thought.
All cocci are gram positive except Neisseria, Branhamella, Moraxella, Veilonella, Acidaminococcus, at Megasphaera.
All bacilli are gram negative except Bacillus, Clostridium, Corynebacterium, Listeria, Erysipelothrix, Arachnia, Eubacterium, Lactobacillus, Propionibacterium at Bifidobacterium.
Review ko na rin to. Sorry sa nerdiness. Para lang siguro mas maalala ko. :) Free time pa naman. Malapit na ulit magduty. :))))))
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment