Wednesday, June 1, 2011

1/2 of a year

Kagabi kasi narinig ko sa radyo na kalahati na ng taon ngayon at oo nga naman. Nakatapos na ako ng half a year, half a year to go 2012 na at konting buwan na lang nun magiging graduate na ako. Yieeee. Medyo matagal pa pero kaya yan! Kahapon grabe iyong meeting namin sa Purple Gazette. Hindi kasi ako iyong taong madaldal. I can't be a leader. Sure yun. Ayoko mag-isip for the group pwedeng pagawain niyo na lang ako at I will do my very best para maging maayos.

Moving on. Sayang hindi kami nakapagwall climbing kagabi kasi 8 na kami dumating and 9 daw sila magsasara. Mabibitin lang kami and true nga. Pero pramis it looks very fun! Baka kaya ko iyon kasi lahat na ata ng muscles ko naipon sa binti at hita. Hahaha. Since ganun nga ang nangyari, nagjog na lang kami sa UP. Wahhh! Nakakapagod pero ang saya. Sa totoo lang, masasabi natin na first time ko iyon. Hahaha. I know, loser ako. I think it will take almost 30 minutes para sa isang lap or maybe sadyang mabagal lang kami. Hahaha.

Nanunuod ako ngayon ng Pinoy Biggest Loser. Naisip ko lang na sa lahat ng mga nagpapapayat, wants to have healthy living. Kailangan lang talaga ng will power para gawin mo ang mga dapat gawin. Syempre kailangan rin ng pera kung gusto mo maggym? Pero pwede rin naman ang natural na paraan, like akyatin ang stairs ng Main building. Hahaha. or magjog ka na lang forever. Hayyy. Inspiring.

Parang ang tagal ko nang hindi nagpopost dito Bleu. Sorry naman kasi parang pareho lang mga kwento ko sa'yo. Don't worry, I have twitter naman. Nababalitaan kita lalo dun. Hihi. 8pm pa pasok mamaya hanggang kinabukasan na ulit iyon. Woah?!

No comments:

Post a Comment