Tuesday, June 28, 2011

BVGV

Kahit na maraming pangit na bagay ang nangyari ngayon ay naging masaya naman. :)

 Sa totoo kaya gising pa ako ay dahil nagpapakanerd ako mag-aral ng isang subject na medyo madali yet mababa ako. Nakakainis kasi na nagbigay ka talaga ng malaking effort para mag-aral tapos during quiz ay makakalimutan mo sila. Hindi ba? Nakakafrustrate talaga! Nakakainis! Sobra! Tapos ito pa may pasyente kanina, parang pinagpipilitan niyang mali kami. Sinulat niya kasi Laurence, which is Lourence dapat. So ayun, binigay ko iyong result tapos nagtatanong siya kung bakit ganito kesyo ganito ganyan. Aba sinabihan pa ako kung pwede makita iyong request form?! The nerve! Parang sinasabi niyang ako ang mali sa pagtytype which in fact siya iyong may mali kung bakit naging Laurence ang pangalan kung sino mang hinayupak na iyon. Nakakagigil lang talaga iyong mga ganung pasyente. Edi nung pinakita ko, sabay sabi, "Oo nga no. Bakit kasi hindi ko nakita iyon nung una pa lang?" [Medyo ganyan iyong thought kasi naiinis ako so hindi ko tinandaan. After nun ngumisi ako, ngisi hindi ngiti ah] Ayun. So napahiya siya at pinataas niya BP ko. Mga pasyente naman kasi, kung magsusulat kayo iyong matino. Kung n, mukhang n. Kung ri, mukhang ri. Taena kayo, magrereklamo na mali iyong name pero kayo may kasalanan kung bakit hindi maintindihan ng encoder. Sorry for the words pero nakakainis lang talaga.

Ito pa isang malaking frustration ko. Wala na nga kami ink sa printer. Napakakupad pa ng computer. Naglalag pa. Amp! At dahil dyan, inaantok na ako baka maaga ako mamatay. Goodnight Bleu! No late later sa pagpasok.

No comments:

Post a Comment