Sunday, June 26, 2011

Argh!

Mailabas ko lang lahat ng hinanaing ko. Bakit kung kailan kailangan na kailangan ng printer tsaka mawawalan. Gusto ko na talaga magtake ng initiative para bumili ng ink tapos nawawala pa iyong refill ng color black. Wah!!!! Kailangan ko talaga magprint, mahal kasi sa labas.

How's internship? Masaya pero nakakabobo e. Sorry paulit-ulit ah. Ewan basta nakakatanga. Nakakakalawang ng utak ang internship kasi puro duty ka lang and Tuesdays lang ang may pasok ka. Ang hirap kaya nun. Ang masaya sa lahat, lapitin ata ako ng disgrasya/DEMERITS! Twice na ako nakakatapos ng specimen although urine lang naman iyon pero the hell! kaboom ako kung natapos ko lahat iyon db? Hahahaha. Hassle pa maglinis ng ihi sa working area. Hay. Oh well! Tapos mukhang nabadshot ako sa isang staff, isang higher-up. I'm so deads! At syempre ipaglaban ang MERIT! Majority kasi ng dahilan kung bakit kami pumasok nung bumabagyo is dahil sa merits pero syempre dahil din sa duty. Nakakaamaze kasi ang Group 4 nung PM duty kami, pumasok silang lahat kahit basang-basa na sila at bumabagyo at baha na. Ang masaklap after duty 4 hours lang binigay sa amin. Syempre nagtatampo rin. Tapos kinabukasan nung pumasok kami ng Night duty aba ang mga pumasok 10 HOURS?! HA?! WTF iyon! Ang unfair, hindi ba? Luging-lugi kami nun. Ni hindi nga masyadong umuulan nung araw na iyon e, mas baha pa nga nung pumasok kami e tapos 4 hours lang?! So kung dadagdagan iyong 4hours namin ng ilan pa, masaya na kami pero syempre kailangan din kaming bigyan ng 10 hours ulit dahil pumasok kami due to heavy rain, right? Hindi na muna ako magsasabi baka maudlot pero dapat talaga meron. Ayun lang naman reklamo ko. Hehehe.

Dahil ako'y isang matinong Katoliko, hindi pa ako nagsisimba for two straight weeks. Wahhh! Sorry po talaga.

Naghihirap na pala ako plus tumataba ulit. Hahaha. Cost-cutting it is! Tipid para pumayat. 

No comments:

Post a Comment