Tuesday, July 31, 2012

31-Day Countdown!

Last day of the month and 31 days until board exams. Brrrr. Can you feel the pressure? I still don't. :|

Not knowing what number to answer in SGD for Anatomy sucks. You can't possibly know every detail in the human body. Seriously, I envy those people who know their Anatomy. WAHHH! But I had fun studying last night though insufficient time. Hoping for another class suspension. I really don't care about make-up classes or exams. It's favorable pa nga e if you didn't studied enough, yes reschedule but wth it's still the same! And suspension means no pressure for you to wake up and get ready for school. You can sleep all day, yes but you will suffer consequences. Consequences for your actions. 


K! Bye!
Achievement: Just finished reading Ma'am Jude's chem notes. Hmmmm. I can smell productivity.

Monday, July 30, 2012

Monday No More!

2nd Monday in a row nang nasuspend ang classes. Ayaw na kaming bigyan ng Monday classes which is half-bad, half-good. Syempre nakakatuwa na walang pasok kasi hindi ka pa prepared. Syempre nakakalungkot kasi namissed mo iyong lectures eh hello ang carbohydrate metabolism! 2nd shift na po e! At masarap matulog kapag nag-assume ka na walang pasok, ang lakas ba naman ng hangin at ulan kagabi with matching masisirang yero sound effects pa.

Pero ayun ang rule ko sa bawat suspension ay mag-aral. Walang dapat masayang na oras kasi libreng oras mo na nga to e, sasayangin mo pa? Right?


Saturday, July 28, 2012

Review Review na rin

Nagaala-superman ako. Strong kid sa pag-aakalang kaya kong pagsabayin review at med. Sa katunayan, hindi ko alam. Nag sink in na sa akin na 35 days na lang before boards! 35 freaking days! Included dyan iyong med days. Shifting week! Rants. Ayun parang med subject ung isang board subject. Kinakain niya oras ko. :|

PUMASA ATA AKO SA PRACS NG ANATOMY! Sorry delayed kasi ngayon lang nakapagnet. Ang saya lang.

Wednesday, July 25, 2012

No judging. No judging.

I just know/heard/indirectly met someone who judge people. Yes, it is inevitable. So?

Kasi akala niya ata ang landi ko or medyo konserbatiba kasi siya e. Wala ng upuan sa room so nakiupo ako nakitabi. Wala naman malisya dun e. Hindi mo ako kilala edi kilalanin mo ako! Wag po kasing mangjudge. I shall remember yesterday. >:) Ayoko naman mang-away kasi hello first year pa nga lang may kagalit ka na. Ang pangit. And ayun simula ngayon everytime I see her, it annoys/irritates me. K! Maintain BP. Chill lang muna.

Biochem exam later. Sobrang hirap niya kasi tinignan ko samplex and amp! Seryosong amp! Kahit simple detalye lang dapat alam mo. X_x

Tuesday, July 24, 2012

Puyat-puyat lang

With just barely 2 hours of sleep since 10pm last night, I'm still alive and actively kicking! NOT. I think it's my habit now to drink coffee whenever I feel like drinking. It's free! No need to spend 150 bucks to buy a coffee in Starbucks. I'm not really a fan of coffee shops, they make me sleepy. Yes.  I should make this my routine that I should be awake at this time of the day in order to study. HELLO?! Everyday quiz/exam/report/sgd. Name it everyday is a busy day. Hay.

I want to sleep now but I shouldn't. Need to learn to have SELF-CONTROL! K!

Maipasa ko naman sana shifting exam ng prev med or better kung mataas.

Monday, July 23, 2012

Shit happens

Dapat kasi maaga nagsuspend para nakapag-aral ako ng board subjects so ayun kagabi nag-assume ako na may pasok ngayon so natulog na ako. Nag-alarm para mag-aral or magbasa man lang pero pagkagising ko 6am na! SHIT UN! Sobrang late na ako kung nagkataon hanggang sa nakita ko messages nila na walang pasok na. Ganyan ganyan, ang ironic kasi umaaraw na nga kaninang umaga pero maraming salamat po sa oras! Nagamit ko naman ata ng mabuti pero hindi pa kumpleto e. Kulang pa rin.


May kulang wala man lang ako crush ulit. Hahaha. 

Sunday, July 22, 2012

Bacillus cereus

Ito iyong bacteria na makukuha sa fried rice. Sa una matutuwa ka kasi wow meron palang ganun pero hindi ka na matutuwa kapag nakain mo na sila. Hahaha. Ganun pala feeling ng food poisoning. Grrr. Dahil dun nasayang isang gabi ko. Bumagsak sa Histology long quiz, saktong pasado sa Clin epi at SOBRANG NADEHYDRATE AKO! Hindi sa naninira pero maninira na rin ako. Sa Zensho kami kumain, iyong eat all you can sa Tomas Morato iyong malapit sa Mcdo. Masarap naman eh pwera lang sa fried rice. Kung sino man chef dyan, makain mo sana niluluto mo.

At ayun nga twice na suspend ang classes kaya okay lang kasi more time to rest more time to study, ay erase erase walang study. LOL. At bukas umaasa ulit ako pero mukhang false hope na eh. Nakita ko dating manual ni ate at masasabi kong parang mas madaling mag-aral ng anatomy kapag iyon ang binasa plus Netter plus manual. WOAH! Tapos jampak week ulit. Sana hindi ako makatulog. Everyday quiz.

40 days na lang at boards na. Still. UNDECIDED

Tuesday, July 17, 2012

Tuloy-tuloy SANA!

Medyo nakakatuwa mga nakuha ko sa mga physio quizzes kaya ayun masaya ako ngayon at sana tuloy-tuloy ang kaligayahan para sa anatomy short quiz. PLEASE! Mas mataas man lang po sa 5 okay na.

Hyperacidic na tiyan ko. K!

Sunday, July 15, 2012

WHAT?!?!?!?!?!

To take the boards or not to take? That is the most troublesome question.

Wednesday, July 11, 2012

JAMPAK!

Hindi naman ganun karami ang gagawin ngayong araw. Kaya ito ako ngayon umaacting na nagsisipag. 3 quizzes sa Physio, submission ng experiment results sa Biochem, Long quiz sa Biochem, Lead Discussant sa Physio, Figure review quiz na rin. Ano raw?! Yan lang?!

Nagpapalpitate ako ngayon. Argh! Medyo dapat kalmado lang kasi kapag nagpakahyper ako mahihilo lang. K!

Tuesday, July 10, 2012

Kainggit

Minsan talaga. Ay hindi parati kapag nakikita kong tulog pa mga tao sa bahay at ako lang gising. SOBRANG NAIINGGIT AKO! Parang ang sarap ng wala ka ng iniintindi or papasok ka na lang at magtrabaho at kumita ng pera at huwag umasa sa magulang.

K! Gayak na po

Isang Pagkakataon. Isang Pag-asa.

Ay drama lang ng title ng entry na to. Same rant same complaints same life. Loveless pa rin. Hahahaha. Malapit na pala birthday ni kat. Ay okay. :)

Ngayong araw ay short quiz sa Anatomy. Yes, isang 10-point quiz lang na nagpapakabaka sa akin. In a way kasi 2 na naibagsak ko. Sa aking kapabayaan, marahil o kaya ay sadyang hindi lang para sa akin iyong score na iyon. Ano ba to medyo nag-iiba na pananaw ko basta gusto ko na lang pumasa! At ito pa kapag ang topic sa isang subject ay isang medtech subject katulad ng Hematopoiesis sa Physiology kahapon. Sa lecture nakakatamad magnotes/makinig/lahat na, pero naramdaman ko iyong kaba nung binibigay nila iyong post-lec quiz. Iyong kabang hindi mawala na syet dapat wala ako mamali or wag mababa kasi nakakahiya sa pride mo na inaral mo na iyon yet nagkakamali ka pa rin. basta ganun iyong thought, nagegets mo naman di ba? At dahil din sa quiz na iyon parang nabuhayan ako or nainspire? na magtake ng boards pa. I mean kasi simula nung nagmed, wala ni isang handouts sa review ang aking nabuksan at inaral. So much for the things I planned last summer, walang natupad. :|

At ngayon ay medyo malapit na ako gumayak para pumasok. Chill. Chill muna.

Friday, July 6, 2012

Define PAGOD

Iyon panahong natulog ka ng before 9pm at nag-alarm ka ng 1am pero nagising ka ng 5am at hindi lang un. Okay lang sana kung isa lang quiz o test mo e. HINDI EH! May lab worksheet ka pa sa histo, so magddrawing ka pa, may clin epi worksheet ka pa pero buti na lang may nagsend sayo ng sagot, may long ana quiz ka pa! Okay karma ata to. :)

POSITIVITY.

Thursday, July 5, 2012

Day 2

Hindi napostponed ang classes. Okay.

Studying for anatomy practicals. I feel like staying up all night and I don't even know if I'm learning something. It's like I'm just reading and reading. Hoping for a worth it grade later.

Tuesday, July 3, 2012

Day 1

Simula nung June hanggang ngayong araw, kanina lang ako pumasok ng umuulan. Uhmm, 2nd time na pumasok ng baha pero unang beses na nagcommute habang BAHA AT UMUULAN. Sabi nila sa med, think like a post-grad student. Okay. May pasok. May pasok pero paano naman kung papasok ka tapos baha? Hindi ba unreasonable iyon?

Sobrang naglalabas talaga ako ng sama ng loob. Hahaha. kasi naman kanina nagamit ko na naman ang survival skills ko para makapasok. Una magsuot ng black pants papasok kasi and puti ay puti. Pangalawa kapag nakababa ng jeep at baha sa halos lahat ng lugar, maghanap ng kalyeng may mababa o walang baha. Pangatlo, kung walang makita edi humanap ng pinakamababang baha at tumawid ka na. Pang-apat, dahil baha din sa halos lahat ng daan, umakyat sa plant box at tumawid sa kabilang daan. Panglima, kung baha ULIT sa mga kalye papuntang UST edi dumaan sa gilid ng daan at wag magpalaglag. Hay.

Kaya sana walang pasok bukas. :)

Kailangan ko na rin magreview ulit ng past topics kasi almost connected sila sa isa't isa so kapag hindi mo nasundan ang momentum ayun. Wala ka na.

Monday, July 2, 2012

ANATOMY

Para sa akin ito ang pinakamahirap na subject(period)

Sa med school tingin ko kailangan mo na lang umintindi kasi wala ng panahon para magmemorize eh sa dami-dami ng kailangan kabisaduhin. Ubos na oras mo. Okay! 4 hours pa lang tulog ko ang masasabi ko naman productive ang gabi ko. SANA! Or pwede rin umulan ng sobra-sobra hanggang sa bumaha at mawalan ng pasok. Seryoso mas gusto ko pa un.

Sunday, July 1, 2012

Will Live On

Thank you God sa araw na ito. Sa sobrang pagkabagabag ko kung paano ako mag-aaral, andyan ka. Sobrang salamat talaga at medyo nafeel ko na bumalik ulit determinasyon kong mabuhay muli. Gumaganon?!

PHYSIO MODE!

Happy First Day of the Month Bleu! Grabe almost a month na ako sa med school. And I'm adapting.