Ay drama lang ng title ng entry na to. Same rant same complaints same life. Loveless pa rin. Hahahaha. Malapit na pala birthday ni kat. Ay okay. :)
Ngayong araw ay short quiz sa Anatomy. Yes, isang 10-point quiz lang na nagpapakabaka sa akin. In a way kasi 2 na naibagsak ko. Sa aking kapabayaan, marahil o kaya ay sadyang hindi lang para sa akin iyong score na iyon. Ano ba to medyo nag-iiba na pananaw ko basta gusto ko na lang pumasa! At ito pa kapag ang topic sa isang subject ay isang medtech subject katulad ng Hematopoiesis sa Physiology kahapon. Sa lecture nakakatamad magnotes/makinig/lahat na, pero naramdaman ko iyong kaba nung binibigay nila iyong post-lec quiz. Iyong kabang hindi mawala na syet dapat wala ako mamali or wag mababa kasi nakakahiya sa pride mo na inaral mo na iyon yet nagkakamali ka pa rin. basta ganun iyong thought, nagegets mo naman di ba? At dahil din sa quiz na iyon parang nabuhayan ako or nainspire? na magtake ng boards pa. I mean kasi simula nung nagmed, wala ni isang handouts sa review ang aking nabuksan at inaral. So much for the things I planned last summer, walang natupad. :|
At ngayon ay medyo malapit na ako gumayak para pumasok. Chill. Chill muna.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment