Tuesday, July 3, 2012

Day 1

Simula nung June hanggang ngayong araw, kanina lang ako pumasok ng umuulan. Uhmm, 2nd time na pumasok ng baha pero unang beses na nagcommute habang BAHA AT UMUULAN. Sabi nila sa med, think like a post-grad student. Okay. May pasok. May pasok pero paano naman kung papasok ka tapos baha? Hindi ba unreasonable iyon?

Sobrang naglalabas talaga ako ng sama ng loob. Hahaha. kasi naman kanina nagamit ko na naman ang survival skills ko para makapasok. Una magsuot ng black pants papasok kasi and puti ay puti. Pangalawa kapag nakababa ng jeep at baha sa halos lahat ng lugar, maghanap ng kalyeng may mababa o walang baha. Pangatlo, kung walang makita edi humanap ng pinakamababang baha at tumawid ka na. Pang-apat, dahil baha din sa halos lahat ng daan, umakyat sa plant box at tumawid sa kabilang daan. Panglima, kung baha ULIT sa mga kalye papuntang UST edi dumaan sa gilid ng daan at wag magpalaglag. Hay.

Kaya sana walang pasok bukas. :)

Kailangan ko na rin magreview ulit ng past topics kasi almost connected sila sa isa't isa so kapag hindi mo nasundan ang momentum ayun. Wala ka na.

No comments:

Post a Comment