Sunday, October 30, 2011

Drowning downwards

I like typing. Nakakatuwa kasi ang bilis ko magtype. Hindi siya 100% na tama pero alam mo iyong without looking, kaya mo magtype ng mabilis. Hahaha. Fun! Wala lang, gusto ko lang maging random ngayon. Hindi pa nga ako nakakapagsimba e kasi galing akong Gateway. Akala ko kasi meron ng ticket para sa concert, iyon pala bibili pa lang eh ayoko ng ganung birthday treat. Hahaha. Sorry, kahit libre pa iyon at si Jason Mraz iyon ay ayoko pa rin. Mahal nung ticket e, sana pinangkain na lang nila iyon.

Ayun at ang down ko ngayon tapos sumabay pa chapter sa fairy tail at ayun na nga, najugalbott na ako! haha. Sakit pa naman sa mata kapag naluluha ako. :)

Saturday, October 29, 2011

7th High!

One thing I'm happy about 4th year is that I get to go to clubs and partying. As if naman, hyper akong sumayaw. Hindi ko nga gets kung bakit sila sayang-sayang sumayaw e. Hay. Anyway kahapon namin inayos ang problemang dinulot ni *** sa SJ. Buti talaga naayos namin kung hindi ang bigat sa pakiramdam. Sa totoo lang. buong araw akong natutulog o kaya naman ay nagbabasa ng book 1. Yes, hindi pa ako tapos ang bagal ko eh. Hahaha. Ninanamnam ko pa at alam ko na kasi mangyayari e. Ayun mga 4pm pumunta ako sa SM para kitain si Shannang at para bumili ng wax. :D Tapos nagtric kami papuntang JR tapos LRT papuntang SJ. Wah! I miss SJ. Ang tagal ko na palang hindi napupunta dun. Tapos nung andun kami at kumakain ng isaw, biglang dumating si Ma'am J. Buti malayo ako. Aba nagtaray ata dun sa malapit sa kanya. Ngumiti lang. Plastikan po? Okay lang. Tapos ayun kinakabahan kami habang pumasok sa lab. I miss SJ so much! Andun pa iyong mga kaklase namin. Hehe. Sa usapan namin with the supervisor, ang chill lang. Buti nga walang sigawan e. But the thing is we accepted our mistakes. We're wrong for trusting the gay and signing without reading and understanding the letter. Hahaha. Stupid. Kaya okay na ang lahat pwera na lang sa ibang staffs. Sana hindi kumitid utak nila. Sana lang. Ang hirap kasi ng may galit sa'yo e. Gumawa kami ng letter at sign tapos sinabi sa staff lounge tapos ayun. Bati-bati na ang mga andun. Yey! Hahaha. Ang bilis nga pala ng oras kapag andun ka. Mga 8.30pm kami natapos, daldalan pa kasi. wah!

Nagmadali ako umuwi kasi hinahabol ko ang last trip ng LRT 1. 10pm daw kasi sara and 9.15pm na ako nauwi. Maliligo pa ako at mag-aayos ng gamit. Hindi na nga ako kumain at nagtoothbrush. Kala Ten na lang. :)))) At ayun nagmadali ako at nakaabot naman ako sa trip. Grabe ang tagal nilang mag-ayos. Late na ako nun ah! Nagwax na ako ng buhok tapos ayos-ayos. pabango tapos okay na. Nagtaxi kami at umabot naman kami dun sa GL ng 7th High. *Katamad naman na magkwento. hahaha.* Basta party-party, inom tapos dumating SLH peeps. Ang sad kasi nasa 3rd floor sila. As in parang gusto kong pumunta kaso hindi talaga pwede. Tapos umalis sila Shannang at Jessie at Yamats. Lalo na tuloy ako walang kausap. hahaha. Tapos mamaya biglang tumawag si Ailaness, lumabas ako. Wala akong salamin pala so hindi ko nakikita mga tao. Ayun pagtingin ko may nakablue, hahaha. Si crush pala. Wah! Sobrang ganda niya. Hot. Cute. Okay lahat na ng papuri. Hahaha. Tapos nakapasok sila samin, idol si Zez sa pakikipag-usap. Sa pinakakwento ko na nga, maraming salamat sa lahat ng taong tumulong para lang makausap ko si crush, mapalapit ako kay crush. Ewan parang sobrang effort nila yet, parang ako pa ang tumatanggi. hahaha. Pero worth it talaga lahat! :)

Bangag ako ngayon at hindi natuloy ang aming mga gala. GYM, tapos Praybeyt Benjamin. Tsk. Hahaha. Pero okay lang at ngayon ay gutom na gutom ako. Parang hindi pa ako kumakain ng ilang araw. Haha. Exagg,.

Thursday, October 27, 2011

DQ

Katulad ng sinasabi ni Sir Rabor, may EQ, IQ at DQ. Pinakamahalaga ang DQ. Hahahaha. Ginamit ko kasi siya kahapon. So kakagaling lang namin sa lunch nun at kami na nagtake-over sa chem. *After 5 months ko pa lang pala nalaman kung paano mag-ring out. So dumaan ako ng Chem at BB without knowing them. Basta may ibang way ako ng pagrring out.* Kumuha ako ng serum from the specimen, eh medyo machyle kaya ang ginawa ko kinuha ko ung kayang makuha, tapos ring out eh medyo nafeel ko na hindi tama. Pagkacentri, hello HEMOLYZED SPECIMEN! Ang test pala niya ay potassium at crea. Yes to me! Nang bigla kong naalala na may nakuha nga pala akong serum kanina. Thank God. Una nagelectrolytes muna ako, twice. Syet ang lapit na maubos ng serum. Tapos ung crea, nammroblema ako at humihiling na sana normal. Ayun buti normal. Last may test siya for dengue blot, ayoko ng gamitin serum kasi deds lalo, dito gumana pagkaDQ ko kaya kumuha ako ng lav. top sa hema tapos sinetri at kinuha ang plasma. Yey for me! Hahaha.

Kwento ko na rin ang aming magaling na co-intern from other school. Alam mo bang bossy niya and knowing the fact na we're more than a week older than them. Hindi naman sa superiority pero wtf tapang niya mag-utos ah. Hindi naman niya ako kayang utusan e. Hahaha. Ayun tapos hindi pa siya marunong mag-encode ng results. WAH! It was like 20 mins passed and you're still not done. Pong. Pong. Pong. Anyway, ayos lang kasi worth it ang araw namin ni P1. We've got 3 days MERIT! MERIT, I tell you. Nagulat kami and biyaya iyon kasi last day ko na sa Chem. Hahaha. Thank you Ma'am Rose! :D

Tomorrow is the day, I need to learn how to talk. Masasabing Judgement Day bukas. Goodluck to me.

Thursday, October 13, 2011

On the way to GAPO!

Last Tuesday, I was making articles for Purple Gazette since I needed to do them and submit it to the EIC. I'm cramming but it was a good start and it resulted to a good end. I made 2 articles, which I think is still not enough since 3 articles are needed and I lack one.

Then biglang tumawag si RJ para sabihing pumunta ako ng Gapo. Nagtanong tuloy ako kung bakit, ayun sinabi na niya ang dahilan. Hahahaha. Natawa ako since off naman ako kahapon, nagdalawang isip ako at ayun pumunta na nga ako. Grabe ang byahe! 3 hours! Tapos ito pa mali pa binabaan ko sa Gapo and I walked and waited for RJ to pick me up. Hay but it was fun though. Okay ang dahilan lang pala kung bakit ako pumunta ay para sa isang babae. Ay, may ganon?! At syempre para magpakasaya, hello tree drop! Syet, nakakatakot pero uulitin ko iyon. Tapos Meat Plus na kainan, super sulit at super worth it. Kung taga-Gapo ako, dun ako kakain araw-araw. Protein for muscles. :] Tapos naghanap kami ng mga beach para makapagswimming sila pero in the end, nauwi kami sa puregold at namili. Tapos after kumain, umuwi kami kala RJ. Naligo at nag-inuman at dahil dun, lalo na akong nandiri sa inuman. Yuck talaga, swear!

*Ailaness, kahit nilaglag mo ako nung gabing iyon. I still love you! Thank you! Hindi mo naman mababasa to e. :]

*I bought gummy bears/worms.

*Adik na ba ako sa ginawa ko?YES!

Friday, October 7, 2011

Start of Productivity!

Ngayon na magsisimula ang productivity days ko kasi medyo malaya na talaga ako. Hello World Citi, ang dami mong offs! Ang dami kong kwento at marahil ay makalimutan ko ang mga ibang bagay.

Masaya sa World, petiks ang buhay. Ang konti ng dating ng specimens pero ayun nga, medyo nakakainis kasi iba ang aura ng mga staffs. I miss SJ! I miss the staffs! I miss my jugalbotters! Tapos medyo nilalabel nila akong the next Barce. I shall prove her wrong and I will make her feel like a sore loser. Sorry sa pagkakamali ah? Magkaibigan lang kayo, that's it! Basta ipapamukha ko sa'yo na I don't do those kinds of things.

Natapos na rin ang aming Grand Duty sa SJ at dahil dyan, basag ulit ako. I went to duty na basag. Ay semi-basag pala. Iyong tipong nakaupo lang ako at ako lang naglolog-in ng specimens. Imagine, medyo nahihirapan pa ako magsulat nun pero I did things well. Great actor ata ito! :))) Sarap ng food, sarap ng fun, sarap ng bonding. At masarap magswimming while wearing maong pants with my phone is in my pocket. Hello phone! Goodbye phone! Pero ayun nabuhay pa naman siya. Sa totoo parang mas naiyak pa nga ako nung nasira iyong phone ko kaysa nung nag-iiyakan mga kagroup ko e. Malungkot ako, yes, kasi hiwalay na kami pero ewan kasi mas iniyakan ko iyong phone. Muntik lang pala, iyong tipong konti na lang tuloy-tuloy na sila pero NOT!

Best of all, nakaduty ko na siya. :) Thank you Mikee wee sa lahat. Ikaw gumawa ng paraan. Hihihi.

Start of productivity starts now. Thesis=DONE for now, Game of Thrones=3 more episode and still on Book 1. Vampire Diaries=waiting for next week's episode. And more to go!

Monday, October 3, 2011

NAFRUFRUSTRATE NA AKO!

Hindi ko na alam kung igive up ko na lang na  mag-aral ngayon. As in walang pumapasok. AYOKO NA!!!!!!!!