Saturday, October 29, 2011

7th High!

One thing I'm happy about 4th year is that I get to go to clubs and partying. As if naman, hyper akong sumayaw. Hindi ko nga gets kung bakit sila sayang-sayang sumayaw e. Hay. Anyway kahapon namin inayos ang problemang dinulot ni *** sa SJ. Buti talaga naayos namin kung hindi ang bigat sa pakiramdam. Sa totoo lang. buong araw akong natutulog o kaya naman ay nagbabasa ng book 1. Yes, hindi pa ako tapos ang bagal ko eh. Hahaha. Ninanamnam ko pa at alam ko na kasi mangyayari e. Ayun mga 4pm pumunta ako sa SM para kitain si Shannang at para bumili ng wax. :D Tapos nagtric kami papuntang JR tapos LRT papuntang SJ. Wah! I miss SJ. Ang tagal ko na palang hindi napupunta dun. Tapos nung andun kami at kumakain ng isaw, biglang dumating si Ma'am J. Buti malayo ako. Aba nagtaray ata dun sa malapit sa kanya. Ngumiti lang. Plastikan po? Okay lang. Tapos ayun kinakabahan kami habang pumasok sa lab. I miss SJ so much! Andun pa iyong mga kaklase namin. Hehe. Sa usapan namin with the supervisor, ang chill lang. Buti nga walang sigawan e. But the thing is we accepted our mistakes. We're wrong for trusting the gay and signing without reading and understanding the letter. Hahaha. Stupid. Kaya okay na ang lahat pwera na lang sa ibang staffs. Sana hindi kumitid utak nila. Sana lang. Ang hirap kasi ng may galit sa'yo e. Gumawa kami ng letter at sign tapos sinabi sa staff lounge tapos ayun. Bati-bati na ang mga andun. Yey! Hahaha. Ang bilis nga pala ng oras kapag andun ka. Mga 8.30pm kami natapos, daldalan pa kasi. wah!

Nagmadali ako umuwi kasi hinahabol ko ang last trip ng LRT 1. 10pm daw kasi sara and 9.15pm na ako nauwi. Maliligo pa ako at mag-aayos ng gamit. Hindi na nga ako kumain at nagtoothbrush. Kala Ten na lang. :)))) At ayun nagmadali ako at nakaabot naman ako sa trip. Grabe ang tagal nilang mag-ayos. Late na ako nun ah! Nagwax na ako ng buhok tapos ayos-ayos. pabango tapos okay na. Nagtaxi kami at umabot naman kami dun sa GL ng 7th High. *Katamad naman na magkwento. hahaha.* Basta party-party, inom tapos dumating SLH peeps. Ang sad kasi nasa 3rd floor sila. As in parang gusto kong pumunta kaso hindi talaga pwede. Tapos umalis sila Shannang at Jessie at Yamats. Lalo na tuloy ako walang kausap. hahaha. Tapos mamaya biglang tumawag si Ailaness, lumabas ako. Wala akong salamin pala so hindi ko nakikita mga tao. Ayun pagtingin ko may nakablue, hahaha. Si crush pala. Wah! Sobrang ganda niya. Hot. Cute. Okay lahat na ng papuri. Hahaha. Tapos nakapasok sila samin, idol si Zez sa pakikipag-usap. Sa pinakakwento ko na nga, maraming salamat sa lahat ng taong tumulong para lang makausap ko si crush, mapalapit ako kay crush. Ewan parang sobrang effort nila yet, parang ako pa ang tumatanggi. hahaha. Pero worth it talaga lahat! :)

Bangag ako ngayon at hindi natuloy ang aming mga gala. GYM, tapos Praybeyt Benjamin. Tsk. Hahaha. Pero okay lang at ngayon ay gutom na gutom ako. Parang hindi pa ako kumakain ng ilang araw. Haha. Exagg,.

No comments:

Post a Comment