Saturday, May 28, 2011

First Night Duty

Hay. Ang daming nangyari kagabi pero masaya naman. Ang ayoko kasi ay iyong walang ginagawa tipong ako lang nakaupo tapos mga kasama ko parang ang busy lahat, kumusta naman db? Tapos may ibang staff pa kung makatingin parang masungit, parang lang naman.

So tuwing Night duty, may time span na mabilis at mabagal iyong oras. Magsasaya lang naman kayo e. Nakitulong na lang ako sa mga kagrupo ko sa kanilang posts, sabi ko alilain niyo ako kahit ano basta may magawa lang. Hahahaha. Kagabi nagbreak kaming grupo, since walang food ang ginawa namin ay bumili illegally sa mini stop. Nung una ambon lang tapos nung pagkatapos namin bumili, ayun umulan. Hahaha. Para kaming mga runner sa pagtakbo kagabi. Tapos nagpakwento ako kay Ten ng mga scary stories at isa lang talaga nagpatakot sa akin. Ang CR kasi namin ay parang dulo tapos papasok ka pa sa isang maliit na daan so ayun. Kung lalabas ka naman may makikita kang small stairs at may duguan daw dun. Wah! Fushit! Eh kumusta naman kasi CR pa iyong sinabing example. Hahaha. Tapos sinamahan namin si Shanna magrelease ng results. Ayos lang naman pala e, hindi masyado nakakatakot. Ayoko lang magelevator, di bale na lang maglakad. Pramis. Hahaha. Tapos nagrelease ako kasama si Zed sa SRNU at OR. Actually, wala akong paki pero si Zed kasi iyong nagpindot ng buzzer dun sa SRNU, ward ng mga buntis. Nagalit ba naman iyong staff kasi twice daw pinindot, nagising iyong isang pasyente. Aba ito naman kasama ko binigay kagad sa akin iyong logbook at ako raw magpapirma. Wtf! Nagmamalinis. Hahaha. I know your true colors my friend! Ayun naman si ateng clerk ata tawag sa kanila, chuchuchuchuchcuhcuchcuchcuchcuhcu sumagot na lang ako okay tapos sorry. Hindi naman entirely our fault e. Maglagay sila ng notice kasi. Tapos naging medyo toxic lang ako nung malapit na mag-umaga. Hahaha. Okay lang naman, toxicity nga gusto ko e. Dumating din si Sir Chai, nangungulit grabe. Tapos mas bully sa kanya si Sir Jerry. At ay nakita ko rin pala si Dra. Halum nung nagbuy kami ng coffee sa ER. Kawawa iyong isang pasyente pramis. :( At kagabi ko naexperience na mahyperacidic. Amp! Last kain ko kasi bago pumasok was 3pm, pumasok ako mga 7pm at kumain kami ng 12am, hindi yan kanina ah. Ayun super gutom ako. Hahaha. Next time na lang ako magdala ng kanin. Ayan tapos na kwento ko sa SJ. Sa LRT naman. Ang bagal niya per station eh medyo sumakit pa tyan ko. Kumusta naman. Hahahaha. Pero okay lang, nakaya naman e. May umalis tapos umupo ako. Sa Blumentritt, pinababa lahat kasi may inaayos sa LRT line 1. Bumaba naman kaming lahat at sumakay sa bus, libre, para makauwi ng Monumento. I'm so deads dahil dito. Ang tanging way ko kasi para mkapasok ay LRT, pwede ring MRT pero the hell parang lumayo ako sa daan tapos lumapit ako ulit. Basta ganun. No choice MRT ako hanggang Monday kapag papasok at LRT kapag pauwi. Libreng bus naman e. :)

*Nagkasugat ako dahil tumama daliri ko sa isang part ng incubator sa bacte section. Dumugo siya ng sobra, non-stop. Hahaha. Dahil masochist ako, nilinis ko syempre tapos nilagyan ko ng alcohol. Ay sarap! Hahaha. Pero masarap talaga. Ang kinakatakot ko patay ako dahil syempre may pumasok ng bacteria sa aking systemic circulation. Paano kung gonococci siya o meninggococci. Nyay! *knock on wood*

At ang sarap ng tulog ko kaso nagkacramps ako at napanaginipan ko na parang may problem sa bacte. Hahaha. Weird amp!

No comments:

Post a Comment