Saturday, May 7, 2011

MTC, NOT!

Hindi ko alam kung ano umandar sa isipan ko kanina sa LRT kung bakit ko pinaupo iyong babae. Usually kasi hindi ako magpapaupo kasi sa totoo unfair iyon. Lahat naman kami nagbayad ng ticket eh. Una-unahan lang iyan. Una sa lahat, pauupuin ko lang ang aking ina, ate, kaibigan, kapamliya, matandang matanda at buntis. Sila lang. Pangalawa, gusto nila ng equality rights? Edi equal na, no chivalry, no gentleman. Equal rights iyon right?

So going back. Kanina ko lang nafeel iyong pagiging toxic ng histopath. Hahaha. Swear! Kasi kanina ako lang ang tanging intern hanggang 9 am something. At pramis, sunod-sunod dumating iyong mga specimen. 8 specimens for biopsy. 4 slides for pap smear. Syempre kailangan mo silang ilog-in lahat kasi kung hindi katapusan na ng buhay mo. Tapos may patho pa kanina, eh parang alam mo iyon lalong awkward moment kapag may ganoong kataas na tao ang andun sa lab. Tsk! Gusto ko si dra na andun dati. Mataray pero ang baet e. Caring iyong nature niya. Tapos kanina ako ang sumagot ng phone, eh hindi ko natanong name nung patient. Okay I know fault ko pero hello naman hindi pa ako maalam.

Tapos kanina nakatulog ako siguro ng mga 30 minutes. Sa totoo lang, okay lang iyon kay Sir Chai. Chill lang kumabaga. Chill. Ayun basta ang libreng oras ay para maging bum. Tapos kanina binenta kami ni Sir sa loob ng lab kasi kailangan niya umalis, naintindihan ko iyon, ayun nilipat kami sa reception. At sobrang nagustuhan ko ang pagiging toxic nito kapag sabay-sabay ng dumadating ang mga request forms for released. Ha?! WTF! Pero fun siya kasi syempre matataranta ka ng konti tapos hahanapin mo sila -isa-isa at syempre alam mo kung saan ka naghahanap. Like CBC sa Hema, Total Bili sa Chem. Iyong mga ganun. Hahaha. Ang fun ng internship! Let me enjoy it more and more!

No comments:

Post a Comment