Tuesday, May 10, 2011

Uncertainty

Minsan talaga sa buhay mo ay hindi mo alam ang gagawin. Hindi mo alam kung tama nga ba ang ginawa mong desisyon. Pero iyon ang punto eh, iyong magkamali ka ng paminsan-minsan sapagkat dahil sa mga kabiguan natin ay natututo tayo. Marahil sa simula ay masakit, syempre naman, pero makalipas ang panahon ay magiging maayos din ang lahat. Chill lang sa bawat sandali ng buhay. Magpakasaya. Umiyak. Damahin ang mga emosyon na dumadaloy sa iyong katawan kasi kapag patay ka na, madarama mo pa ba ito? Hindi na.

Okay. Naisipan ko lang mag-emo ngayon. Hehehe. Kinuha ko ang labgown kanina sa aking pinagpaglang pamantasan. Nalaman ko lalo na alam na talaga ng ilang mga interns sa JR! Amp talaga! I mean kasi siguro ay ayoko lang ng meron mga issues about sa akin at to the point na issues na involved ako sa iba pang ospital. Gets? Pero ayun nga, hindi ko tuloy alam kung ano iniisip nila sa akin. Kanina kasi sa org room ay tinawag ako ni Cleo. Nung lumapit ako after nung ginawa ko, *naisip ko na baka ito iyong issue siguro* hindi naman talaga niya sinabi pero nafeel ko. Ayun tama nga ako. Hahaha.

Ngayon na lang muli ako nakapanuod ng isang pelikula sa sinehan. Patawarin mo ako sa aking kainosentehan. Hahaha. Wala kasi ako pakielam masyado sa mga ganitong bagay e unless yayain mo na lang ako. kaya i had fun today. Tapos super busog ako, pinaubos sa akin iyong mga food kanina sa Shakey's. Pizza! 2 pa iyon. Kaya ito ako ngayon, hindi na magddinner. Kailangan e. :)

Duty na ulit bukas. Let there be more fun.

No comments:

Post a Comment