Sunday, May 1, 2011

Masayang Bagong Buwan!

Maligayang Araw ng Paggawa na rin. Nawa'y maging maayos ang buwan na ito para sa ating lahat, para sa amin na mayroong internship din kasi kung ikukumpara natin ang Pharma at Medtech ay mas experienced ang mga Pharma sa internship sapagkat bawat summer ay mayroon sila nito. Goodluck sa mga may duty ngayong umaga hanggang hapon o gabi o kinabukasan, goodluck sa mga may duty mayang tanghali hanggang gabi, sa mga may duty ng gabi hanggang kinabukasan at syempre sa mga may orientation day pa lamang bukas. Hahaha. Ngayon ko na masasabing excited na ako. Please good sched for me!

Kaninang umaga ay narinig kong may tumatawag sa akin. Si Ate Grace pala. Hindi ko siya pinansin sapagkat alam kong napakaaga pa at kapag pinansin ko siya ay hindi na ako muling makakatulog pa. Tinawag niya si Ama kaya ayun napagbuksan na siya. Maya-maya ay narinig ko naman ang pagtawag sa akin ng aking Ina. Nasa tabi ko lamang siya dahil ang lapit ng boses niya. Ginigising niya ako upang makapagsimba ng 7.30 ng umaga. Hindi muna ako gumising kasi tinatamad pa ako. Ngayon kung kailan nakatayo na ako at nagising ay tsaka sasabihin sa akin na magsimba na lang mamaya sa bayan para makuha na rin ang aking uniporme. Magaling, hindi ba?! Eh ako kasi iyong taong kapag nagising na wala nang bawian, wala na muling tulugan. Hayyy. Kaya ito ako ngayon sa harap ng kompyuter at nagbblog. :|

Kanina, grabe lang, napanaginipan ko siya. Wahhh! At sa panaginip na iyon andun iyong ramdam ng pagseselos kasi ... Ayun. Bahala ka na mag-isip ng nangyari kung iisipin mo man. Ayoko lang ikwento. Hahaha. Iyong mga oras na iyon sabi ko sa panaginip ko ay aalis na lang ako kapag ganun. Oh well. [Ang arte kasi eh. May patamad-tamad ka pang nalalaman. Yan sige hanggang sa mawala na sa'yo.]

Hay buti na lang at wala akong mga kaibigan sa college ang nakakapagbasa nito kung hindi...katapusan ko na. :) At kung sakaling may makabasa man nito na kaklase ko, madali naman magpalit ng url e. :) ulit.

Sige magpapakasaya na ako sa natitirang oras ko sa mundo, ay este ng bakasyon ko. May 1/2 Prince update na rin ng manga! Woah! Parang kailan lang ay nagtweet ako about dun. Maraming salamat po sa bagong update!

No comments:

Post a Comment