Nung una ay dapat kaming pupunta sa SM North ngunit sa kasawiang palad ay may nagback-out. Sa last minute pa! WTF! Siya pa man din ang nagsuggest na ngayon. Oh well, hindi maiiwasan yan sa mga lakad ng aming barkada.
Pangalawa, dahil hindi na nga tuloy ang lakad ay tinopak ako at ginawa kong red background ang 2x2 pic kong may white background using Paint. Yes, super productive na iyon sa akin. Biruin mo dahil dun ay meron na akong ID pic sa SJ. Tapos may gloves na ako, may masks na rin, may labgown ako syempre, tourniquet at time card. Uhhh. Resume pa pala! Hahaha. Tinitignan ko kung may kulang pa ako na dapat dalin para bukas.
Pangatlo, nakakain naman ako ng tama na konti. Ha? Tapos nakapagpaprint na ako ng 1x1 at 2x2 pics ko sa ibang streets. Talk about usefulness. Naglagay sila ng photoprinting services pero wala silang photopaper. Hmmm. Great!
Okay. Tama na yun for productiveness ko. Maliligo na ako sapagkat napakainit pa rin kahit sobrang lakas ng ulan at bumaha sa tapat ng aming bahay.
Goodluck sa aking first day sa histopath section! Be toxic in a fun way, okay?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment