Thursday, May 19, 2011

Hi-heart rate

Grabe kasi kanina iyong histopathmates ko. Ako lang kasi ang off ngayon. Supposed to be ay papasok ako pero since parang rest day ko na 'to bago mapunta sa bacte. Wala na kasi kaming off hanggang sa susunod na off na lang. Ayun tinetext ko sila kung ano nangyayari dun at nagrereply naman sila. Aba, biglang nagtext si Mikee tapos si JR at sinabi nila mali-mali raw ni-log ko sa biopsy logbook at pinagalitan sila ni Sir Glenn, our head. Eh sa lahat ayoko ng pinapagalitan iyong iba dahil sa akin or same na rin na ayoko pagalitan. In the end, tinext nila akong joke lang. Pero wtf talaga iyong joke kinabahan ako ng sobra. Napicture out ko pa nga iyong scene na pinapagalitan sila e. Alam mo takot na kasi ako kay Sir Glenn kasi bad shot na ako. Naka tatlong maling shift na ako dahil sa pagkakaalam namin. TInawag kasi kami para pirmahan ang ID namin plus special sermon to me. Iyong 3rd day na mali ang shift ko was the day nung unang pinagalitan niya ako. Gets? Nope. Basta iyong 3rd na mali was hindi ko pa rin alam iyong tamang sched. I know it's my fault for not looking at the sched pero kasi hindi nila nililinaw. :|

AM sched tomorrow. Last day namin together kahit na may Saturday pa.

No comments:

Post a Comment