Kahapon ay orientation namin sa San Juan. Actually, hindi naman ako nalate. Masasabing nalate ako dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Marami salamat kay Chan sa pagtawag sa akin. Pramis dahil sa'yo nakarating ako sa orientation room.
So basically sa isang orientation, dito sinasabi mga rules at regulation sa ospital. Mga demerits, merits, mga penalties sa pagiging late at marami pang iba. HINDI pwede pumasok ng one minute after the time kasi late na iyon. Wah!!! I'm so deads sapagkat malayo ang aking tirahan. Okay lang naman eh kaso 3 lates = 1 absent = 8 hours duty ata? Amp. Dapat ko pa lang ayusin iyong notes ko. Hahaha.
Ang rules lahat-lahat. Sundin ang pagiging good boy kuno para sa buong taon. Kumusta naman kasi ang pananatili sa mga madre at padre. Follow rules. BAWAL magtapon ng specimen lalo na kung ito ay CSF. Syet natakot ako talaga kapag ganito. Ang sakit kaya ng lumbar tap. :| [Kahit hindi ko pa ito nararanasan.]
Kagabi pagkauwi ko sobrang pagod ko. Kinuha ko kasi iyong nameplate ko kay RJ tapos pumunta Asturias para bumili ng gloves at masks kahit mahal kaysa naman mawala ako sa Bambang. Tapos umuwi ako through LRT, nung una nga balak ko pang maglakad pauwi kapag nakababa na ng LRTkaso sabi ko suicide iyon sa sarili ko kaya in the end nagjeep na lang ako. Pramis nakakapagod iyong byahe mabuti na rin at EDSA station namin kasi nasa bandang una iyon sa huli so makakaupo kami. Yey! Hindi ako magpapaupo kahit sino man unless magkakonsesnya ako sa araw na iyon. Hahaha.
Nakatulog ako ng 12 hours ngayon. Grabe so ganun talaga ako kapagod no? Pero 7am talaga body clock ko. :|
Ay syempre pa pala. Sa histopath nga pala ako nalagay na section. Sa lahat ito ang pinakaweird na section sa SJ. Una, isolated kami from the rest kasi papasok ka muna sa main lab tapos lalabas tapos maglalakad para lang makarating sa lab namin. Pangalawa, weird schedules. Kahit night duty or pm ka. Umaga pa rin pasok mo kasi hanggang 5pm lang ata ang histopath section. AM 8am-3pm. PM 10am-5pm. NITE 7am-5pm. Ganyan daw talaga spelling ng night. Haha.
Pero kahit ganyan. Keep a positive attitude. I will make the most fun of my stay in histopath kasi kaunting araw lang kami dito. :| <21 days na lang.
Hello San Juan de Dios Educational Foundation, Incorporated! A.K.A. SJ. Love me please 'coz I will love you!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment