Sunday, May 22, 2011

Paalam histopath!

Nakakalungkot na sa Lunes ay wala na kami sa histopath section. Wala na. Pwede pa naman kami pumunta dun syempre kaso parang super sipsip naman kami nun. Natandaan ko nung unang araw namin dun, pagpasok palang namin dun sa pinakaworking area ay sumakit ang mata ko dahil sa formalin. Hindi pa kasi kami sanay nun. Sayang at first section namin ang histopath kasi less than 15 days lang kami nagstay dun. :| Mamimiss ko ang histopath section, sir Chai, Mikee, JR, pwede na rin si sir Melvs, si Dra. Halum, ang mga pathologists, mga stains, xylene, tissue processor, cryostat, ang mga FS procedures, ang paglolog-in ng mga specimen, pagmount, paglabel, paglilinis, paglalagay ng slides, paggawa ng boxes para sa mga tissue blocks, paghahanap ng mga slides/tissue blocks kapag may nagpahanap. Basta mamimiss ko kayong lahat! Sana 6 months na lang internship per sem para maulit-ulit kami sa histopath.

Natandaan ko pa nung unang araw, pinaglinis kami ng slides at super kabado kami nun na baka mabura ang specimen. Syempre dahil kakagaling lang namin mula sa 3rd year ay takot kami. Kasi sa school parang kailangan talagang napakalinis ng paggawa mo pero naisip ko na hindi lahat ng tinuturo sa school ay laging dapat gawin. Hindi mo naman kailangan maging perpekto sa bawat gawain. Basta maganda at mababasa pa rin ng pathologist ang slides at makakapaginterpret sila ng tama para mabigyan ng diagnosis sa pasyente.

Naalala ko rin nung una na kaming dalawa lang ni Mikee ang nag-lulunch kasi kailangan daw ay may isang intern na maiiwan. Mahirap iyon. Hanggang sa kalaunan ay pinayagan na kaming tatlong kumain ng magkakasama siguro ay dahil alam naman nilang masisipag kami. Hahaha.

Hindi ko rin syempre malilimutan ang aking mga pagkakamali. Unang araw na nagstain ako super kinabahan ako kasi hindi ko alam kung tama nga ba ginawa ko basta parang may nalagpasan akong steps. Aw. Kinabahan talaga ako nun. Pangalawang pagsstain ko ay hindi ko na-air dry ang alcohol bago magxylene. Pagkakita ko sa xylene ay nagkaroon siya ng dumi at lumabo. Ganun pala iyon tapos kinabukasan, wala na ulit sila. Okay naman. Tapos sinabi ni sir Chai ibigay sa relative, rinig ko reception kasi may ginagawa ako. Ayun buti nakuha ng relative ang resulta. Hahahaha. At ang pinakahigit sa lahat ang mga maling schedule ko na ang may kasalanan naman talaga ay si sir Glenn kasi magulo. Pero okay na sila.

Mamimiss ko ang bawat sandali na pinatili mo ako rito. Ang ating mga bum moments tuwing hapon. Ang toxicity na minsan lang namin marasan. At ang batang hindi ko pa nakikita na dumadaan.

Paalam histopath!

No comments:

Post a Comment