Martes kahapon at parang ang dami kong nagawa. Hindi lang pala nagawa, maraming nangyari. Hinatid ako ni kuya papasok. Kahit na isang klase lang ang meron kami kahapon ay naging maayos naman ito. Walang quiz, nakapagreport na kami. One down sa 'to-do-list'. Wala naman talaga akong ganun listahan e pero siguro ay nasa utak ko na mga dapat kong gawin kasi kailangan sila para makapasa ako sa 2nd sem. Kumain kami sa Big Martha tapos nagbihis ng corporate attire at habang naghihintay ay binigay sa akin ni Kuya Gelo ang reviewer sa CC. Overwhelmed sa info. Maraming salamat Kuya Gelo! Career seminar naming mga medtech. May guidance councilor, pathologist mula sa aming SJ, at medtech. Sila ang mga speakers. Sa kanilang tatlo mas nainspire ako sa medtech na speaker kasi ba naman ang dami niyang nagagawa tapos ang laki pala ng sweldo sa UST Pay. Hahaha. So kung dun ako magtrabaho, better hindi ba? Tapos pumunta kami kala Rj para kuhanin tsinelas ko at diretso na ako sa meeting. Hello Mr. Sci-tech editor, kailangan mo nang gumawa ng mga articles kasi ikaw lang magsusulat ng mga iyan unless may contributor ka. Goodluck naman sa'yo. :) Deadline 2nd week of October. Please hurry up! Meron ka pang thesis ha? at quizzes? at shifting exams?
Ito na ang best part kahapon. Niyaya ako ng mga SanLazaro uminom. Ayos lang naman sa akin e kaso parang ang gastos ko na. Hahaha. Puro inom na lang. Beh. Tapos nung niyaya nila ako, kagad nilang sinabi na kasama si crush. Alam na alam nilang iyon lang ang magpapasama sa akin. Sige fine, sumama na nga ako. Sa Balay[first time ko kasi dito], maraming tables at konti pa lang mga tao. Andun iyong mga Sanlazaro at iyong mga FMT. Tapos may 2 bakanteng upuan, umupo si RJ sa isa at ako naman sa bakanteng upuan katabi ni crush. Set-up pero wala akong pake. Una, hindi ako masyado nakikipag-usap pero habang tumatagal casual talks. Fun. Hanggang sa mabangag na ako. Pinilit ko na nga lang ihatid sila ay mali, ihatid pala ako sa Lacson gate. Pero basta masaya kagabi at ito ako ngayon nagbblog, semi-bangag at malapit na gumayak para pumuntang MOA. Bonding kami ni Ten e. :)
Bye Bleu!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment