ngayong araw ay ang kuhanan ng clearance at enrollment. nakakapagod pero masaya kasi nakuha naming pe ay football[yeah!] ngunit ang nakakalungkot ay may ilan sa amin ay naging irreg at baka lumipat ng ibang school. sayang kasi mababawasan na naman kami - wala na sila palagi kapag kakausapin mo, hihingan ng tulong, at kasama sa mga lakwatsa. wala na hindi na kumpleto.
ilan sa aking mga kaibigan ay nagbigay ng post birthday gift. ang ganda niya at hindi ko inaasahang magbibigay sila ng ganoon. isa itong mp3 set, kulay asul, cute[?] at hmmm, eh basta maganda siya tignan ko kung malalagay ko rito iyong itsura niya. maraming salamat sa inyo pat, chari, gin, keej, chut, aron, aia, paula, gersel, rj, paulo, at hiro.
birthday post
"alam kong masyado pang maaga pero baka kasi ako tamarin gumawa mamaya eh.
“MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT – sa Diyos, sa aking pamilya, highschool classmates and friends, jabviccck, 2d-mt, at ang aking mediartrix family. at lalong lalo na sa mga hindi nakabati, nakalimutan man o hindi.”
hindi ako naghanda ngayon kasi ramdam ko lang na ‘wag ngayon. emo nga ako ngayon sa bahay eh, nakikinig lamang ng tunog sa fame movie[ganda.ganda] at nagbabasa ng rave manga at nagffacebook at nagyym.
dahil ang aking kaarawan ay kung kailan dumating ang bagyong santi, maging maayos naman sana ang kalagayan ng mga nasalanta at masasalanta.
ay may ikkwento pala ako sa inyo[mga ilang bisita ng blog na ito], isang maganda at isang panget. unahin muna natin ang panget, super bumaba ang grades ko ngayong sem nakakalungkot lang pero babawi na lang ako next sem.:)). para naman sa magandang balita, napakaganda ng sched namin kasi napakaluwag niya at ito siya:
mondays: 7-4 may two hours lunch
tuesdays and thursdays: 7-12 tuesdays ang pe 3-5
wednesdays: 7-5 ay two hours lunch na naman
fridays: 7-1
hopefully, makakuha sana at payagan akong sumama kay ate sa dorm o apartment.
happy trick or treating.:D"
No comments:
Post a Comment