Wednesday, November 4, 2009

kakiligan sa buhay

nalilito pa rin ako hanggang ngayon. hindi ko alam kung ano ba dapat kong gawin. hindi ko alam kung tutuloy ko ba o hindi, kung may nasimulan na nga ba ako.

nakilala ko siya sa debut ng blockmate ko. una ko siyang nakita sa greenhills, naka-red, maputi, maganda, cute at tingin ko masungit o maarte o mataray. hanggang tingin lamang ako sa kanya noong mga panahong 'yon. pumunta na kami sa burgoo at hinintay ang iba pang bisita. nag-aliw-aliw muna kami tsaka ulit bumalik sa kainan. umorder na at hinintay ang pagkain, nagdrawing pa nga kami ng kung anu-ano sa papel sa lamesa eh.

habang at pagkatapos kumain, nagkakausap naman kami at picture dito, picture diyan. sa mga oras na 'yon tsaka ko pa lang nalaman na napakakulit niyang tao, mabait, maharot at kung ano pa. edi ayun uwian na, nun pa kami medyo matagal na nakapag-usap at nangharot ng mga kasama, basta kalokohan lang naming dalawa.

kinabukasan may nalaman ako sa 2 kong kaibigan, *kinilig* naman ako. noon na nga lang ulit ako kinilig ng ganoon eh. binigay ng kaibigan ko number niya at itext ko raw siya. tinext ko naman. nagkatext kami ng isang buong linggo, hanggang sa padalas na lang, hanggang sa paminsan-minsan na lang, hanggang sa hindi na pero nagkakapag-usap pa naman kami sa text, facebook, at yahoo messenger . . . ay at tumawag pala siya one time, hindi ko inaasahang siya ay tatawag ng ganung oras*kilig*.

tutal ay nagsasabi ako tungkol sa kanya, pagpatuloy ko na rin. isa siyang estudyante ng dentristry sa ceu, 2nd year na rin siya. taga pampanga at 18 years old. sayang nga eh, hindi ko siya nabati ngayong taon kasi hindi pa kami magkakilala nun. hindi ko na lang sabihin iyong pangalan niya. :D.

dati nga pinag-usapan namin na punta ako sa school nila tapos siya sa amin, hindi pa siya natutuloy hanggang ngayon[haha]. ngayon hindi ko talaga alam gagawin ko pero masaya naman ako.

No comments:

Post a Comment