Monday, December 14, 2009

pagiging ignorante

dahil sa kabilisan ng internet connection, naisipan kong gumawa ng blogpost. kakauwi ko lang kaninang mga 8:30pm, ang trapik at masarap matulog sa dyip. ang aming tanging exam namin ngayon ay english 108[4:00-5:00 pa yan wah]. nakapapagod.

nasa friomix ulit kami. kumain ako. nagkwentuhan kami. tumahimik ako. hindi ako makarelate sa pinag-uusapan nila. tungkol ito sa mga movies, at celebrities, kung sino nga ba ang mga magaganda/gwagwapo o kung ano pa man iyon. grabe, nakatunganga lang ako at inantok. naisip ko lang na parang napakawalang paki ko sa mundo, mga nangyayari, mga palabas, mga tao, mga. mga...

*ngayon[pero hindi ngayon] ay nakatitig ako sa ym o kaya sa facebook, tinitignan iyong profile o kaya stat niya o kaya kung online pa siya. hay, ewan ko ba. nagpapakaEmO na naman ako. parang kapag nakikita ko siya kahit iyong pangalan lang, napapatingin talaga ako. wahahaha. *kinilig* naman ako pero mukhang may nangyari eh. hindi ko lang sure. *sad*

tara aral na tayo para sa exam bukas. biochem.

No comments:

Post a Comment