hindi naman sa lahat ng bagay ay feeling mo ikaw si superman. hindi mo kayang lumipad. hindi mo kayang magsuot ng underwear sa labas upang maipakita sa mundo ito. hindi mo kayang ipagtanggol ang mundo. hindi ka weak sa kryptonite. in short hindi ka nga si superman.
para sa isang normal na tao, sadyang mahirap ang ganito. maraming gagawin pero sinusubukang tapusin lahat? ano ka isang robot na hindi napapagod?! tao tayo. may mga kahinaan, napapagod pero pwede naman tayong magpahinga. ay hindi pala pwede, DAPAT. marahil ay kung isagad natin ang ating mga kakayahan sa pinakalimit ay maaaring mas malaki ang consequence nito sa atin.
okay, megabreakdown. kaya ko pa. active pa utak ko pero sabi ng katawan ko, "Gusto ko nang matulog!" at ngayon ay patulog na ako. nagblog lamang ng sandali. kanina, naextractan ako ng 18ml ng dugo. woohooo! 3 beses kasi iyon tapos evacuated tube so 2 sa bawat tao. e ang laman ng isang tube ay 3cc ata na equivalent sa 1ml/cc? ayun. kaya nagffeeling superman ako. hindi naman ako nahilo, steady lang. first time ko rin pala magevacuated method. at trivia! 1st time akong nag-extract for this sem. wow! kung kailan patapos na. goodluck naman sa skills ng venipuncture in internship. hahaha.
goodmorning bleu!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment