manigong bagong taon!
narealize ko na hindi pala ako mabubuhay ng walang computer na may internet parang mamatay na ako sa bagot dito sa bahay.
medyo naging hobby ko na ang blog hopping at masasabi kong wala akong kwentang magtype ng mga masasabi sa blog. haha.
sa buhay pag-ibig. sana naman. sana man lang. sana talaga. ay, magbibigay linaw lang ako kasi medyo kumplikado talaga eh. nakilala at nakita ko lang siya ng isang araw pero masasabi ko naman crush o kaya infatuation ang nararamdaman ko para sa kanya. ang ganda kasi niya eh, ang bait pa. masasabi ko ring torpe ako pero may dahilan eh, medyo may takot. dahil siguro ito sa hindi ko pagtatanong, hindi ko kasi alam kung may mga nanliligaw ba sa kanya doon o kaya may boyfriend siya kaya naging kumplikado, ok? ayun.
sa buhay acads naman, ang dami ko pang hindi nagagawa sa mga dapat gawin. chem lab manual, library paper intro para sa english, histolab manual, reflection para sa sociology class at mag-aral kung sipagin man.
sa buhay pamilya at kaibigan. maayos naman ang pakikitungo namin sa isa't isa, minsan nagkukulang ako. minsan nagkukulang ulit ako.
10 bagay na aking nais para sa 2010:
1. magsipag sa pag-aaral.
2. mag-ipon ng pera at huwag gastos ng gastos kaya iwasan munang pumunta ng trinoma at huwag kumain at gumastos ng higit pa sa dapat gastusin.
3. maging aware naman sa mga nangyayari sa paligid.
4. magbasa ng mga libro, blogs, at forum.
5. ayusin ang sarili - pisikal, mental at sosyolohikal[hindi ko alam term sa tagalog].
6. manuod ng movies :). iyong mga downloaded lang o kaya mga pwedeng mahiram para tipid.
7. mag-aral at subukang gawin ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa.
8. mahalin pa lalo ang aking pamilya, lalo na si mami, at mga kaibigan. medyo napapalayo lang naman ako paminsan-minsan.
9. magwork-out kung posible.
10. magmahal.
*sakit ng ulo ko.
*sana dati pang nagkaroon ng dentistry sa ust. haha.
*maging masaya sana ang gala sa EK bukas. :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment