Thursday, January 27, 2011

Quadri Fun!

Kwento ko muna iyong ngayon. Kagabi kasi hindi namin alam kung may pasok sa cc lec o wala and napag-isipan ko na huwag na lang pumasok. I cut the only class today kasi uncertain kung may pasok o wala eh. Sana kung dormer ako, papasok ako kaso hindi eh. Tapos paano kung wala naman si sir, edi sayang pagpunta ko. Okay. Ngayon umagang ito, alam kong mali ako. Umabsent ako eh at andun daw si sir. Hahaha. Aattend naman ako ng exhibit, sure ako dun pero sadyang mahirap lang talagang gumising ng napakaaga para pumasok sa isang class na nung gabi ay hindi mo alam kung may pasok o wala. Fudge, ang haba at spontaneous ng typing ko. -end-

Sa fun part naman ng week. Wala kaming classes kahapon pero basta we just had fun parang foundation day lang nung highschool. Nag-attendance lang. Nanuod ng cheermania. Kumain. Gumawa ng histopath at nagbonding. Tumambay until night. We played games like pepsi seven up and piso, singkwenta. Okay, kami na ang bata. Tapos ang sakit sa paa, hindi kasi running shoes ang gamit ko hindi ba? Tapos sobrang pawis ko, iyong body spray ko nung umaga ay walang nang katrace-trace sa akin. Hahaha. Purely amoy pawis na ako. Tingin ko nga magkakasakit na kami kasi after namin maglaro, nagpatuyo kami ng pawis. Ayun lang. Basta funfunfun. Sana wag KJ iyong classes namin tomorrow na may quizzes din kasi aattend ako mamaya ng countdown ng UST. Ang countdown na hindi ko na muling makikita after so many years kasi patay na ako for sure dun sa 500th year ng UST. Wow, ano kaya mangyayari dun? Hmmmm. Sana kahit patay na ako, makikita ko pa rin kung ano nangyayari sa mundo.

Hinihiling ko na lang na sana huwag magpaquiz o mang-absent si sir kasi quadri week naman e. remember, quadri week. It's a celebration, let's have some funfunfun.

No comments:

Post a Comment