Tuesday, January 3, 2012

Desperado!

Walang kwenta ang computer namin dito sa bahay. hahaha. At dahil dyan magrarant ako. Ang tanging ginagawa ko lang kasi dito sa computer ay FB, twitter, blog. Sila lang. Iyong iba, bahala na or bihira lang. So ang computer namin ngayon ay walang twitter at blog. WOW!

Paano ako ngayon nakakapagblog? Simple, kinuha ko notebook ni ate at ito ako ngayon. Hirap na hirap sa paggamit kasi hindi ako laptop person. Ang hirap kasi gamitin. I need mouse please? Oh okay. Wala pala!

Useless ngayong araw kasi biruin mo wala kami ginawa. Thesis kinausap lang ma'am joy. CPH as usual wala. Good thing by the way. Eh 10am tapos na thesis tapos 4pm pa seminar na may 2 quizzes. Pumunta kami kala RJ pampalipas oras. Nanuod ako ng last episode ng American horror Story tapos kumain ng D&D na pizza. Kahit ako hindi ko kayang ubusin so kumusta naman. Sa takaw kong ito pero bagong buhay na. Life to fitness na ako! hahaha. At ayun sa seminar hindi natuloy quiz kasi puro bagsakin daw scores namin. Okay. Good thing din pala kasi hindi ko nakita pagmumukha nung epal sa mundo namin. Hihihi.

nagbonding din kami ni shannang. Ang saya, bihira lang kasi kami mag-usap. Naging maayos naman. haha. Daming kwento. ")

Okay. tama na, hirap na ako magtype e.

No comments:

Post a Comment