Highlight yan ng buong araw ko kahapon. Nung Sunday kasi, umuwi ako ng Bulacan at umuwi na ng gabi. Hindi pa ako nag-aaral nun. Cram mode utak ko kasi wala pa talaga ako alam. So ayun, aral-kuno then sabi ko nung around 10pm na, 'Bukas nalang ulit, gising ako ng 2am' Ayun na, hindi na ako kayang gisingin ng body clock ko. 2am....3am...4am..5am tsaka palang ako nagising. Sangkatutak na alarm na pinapatay ko lamang. Hayyy. So no choice, pumasok ng walang alam.
During pracs, 10 stations, 20 questions. Aba! Iyong magaling, ginawang station 1 = question 1, station 2 = question 2. At ang mas magaling pa ay narealize na lamang niya na matalino ang ginawa niya nung nasa last station siya before the rest station. Hahaha. Nagcram talaga utak niya nun pero wala na magagawa e. Bagsak sa microscope, bagsak sa projection edi bagsak sa pracs pero wala na ako pakielam kasi alam ko na talagang bagsak. Pero kanina nabwisit ako na gusto kong bumili na ng books ng patho para careerin. One of the few choices ko kasi ang Patho kapag nakagraduate ako. Hihihi.
So ayun ang highlight ng buhay ko, ikaw? Na-PATHO ka na ba?
*pracs namin mamaya sa clin path. basics ng medtech[naks yabang!] pero sa totoo lang pressure sa amin iyon, basics nga e! dapat alam! so kung magkamali, revocation na ng lisensya? :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment