umiiyak ang ulan kanina pa. hindi na niya kaya ang bigat na dinadala niya. hindi na niya kayang kipkipin lahat ng kanyang mga problema. hindi na niya kaya lahat ng mga naranasan niya. okay lang yan, andito ako para sa'yo. andito kami. andito kami makikinig sa pagpatak ng iyong mga luha sa bubungan ng aming mga bahay, sa payong na gamit namin sa aming paglalakad, sa amin mismo. iiyak mo lang lahat. mawawala na rin yan sa ilang saglit. ilabas mo na lahat ng iyong dinaramdam sapagkat pagkatapos nito, malaya ka na ulit. maging malaya ka sa iyong buhay.
katulad ng umiiyak na ulan, umiiyak din ang aking pusong sawi.
wahahahaha. chos lang! grabe wala talaga ako magawa. 7am nasa harap na ako ng computer. thank you sa gumawa ng autopager! idol kita, isa kang dakilang tamad! kasi lahat ng nagddownload ng program mo ay mas dakilang tamad pa kaysa sa iyo! maraming salamat.
friday na. malapit na magpasukan. :\

No comments:
Post a Comment