dear bleu,
ngayong gabi na lang ako magkakaroon ng isang healthy sleep. iyong tipong more than 7 hours ang tulog mo. pasukan na kasi sa huwebes eh. alam mo bang 7am ang class ko nun tapos 4th floor pa ng main building?! alam mo ba na ang aming building ang may pinakamahirap na akyatan na hagdan. hahabulin mo talaga hininga mo kapag umakyat ka run pero sanayin na rin. sanay na ako kahit papaano. exercise kumbaga.
speaking of exercise, sabi ni mami in my two-week stay sa bahay ay hindi ako tumaba. hahaha. oh well, hindi pa ako nag-eexercise niyan wah. :)) baka may bulate ako tyan? nyay! pero alam mo ba tuwing kumakain ako ay tiyan ko lamang ang lumalaki. wahhh! pang 2-3 persons kasi kain ko. yumyum.
bukas luluwas na ko. hindi ko na mararanasan muli ang bum kong buhay for a while since 6 days pasok ko, muntik na nilang gawing 7 wah. pero sa totoo lang ay medyo pwede na sched namin kasi maaga uwi namin kasi maaga pasok namin. walang connection talaga, nilagyan ko lang. :)
tapos bleu, wala pa ako notebook. haha. grabe lang no? pero bibili na ako bukas sa national bookstore sa grand. sana maging maayos na. tapos dito ko na rin sasabihin. hindi pa ako nag-aayos ng NMAT ko. :\ kailangan ko nang maayos iyon. kailangan ko nang magreview. sayang lang naman kasi iyong pera na gagastusin kung ibabagsak ko lang naman. sa totoo kasi, mag-one take lang ako. kung for me talaga, edi for me. mag-memed ako pero kung hindi, go lang with flow.
i will miss my mom. i will miss my big bed. i will miss my bum life. i will miss my watawang pagkain. i will miss my 12 hours na pagamit ng computer. i will miss my very healthy sleep. i will miss my sembreak. . . sayonara!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment