Sunday, April 24, 2011

tsokoleyt

ang masaya kapag may ate ka ay malaki ang tsansa mo na magkaroon ng libreng tsokoleyt. mula sa manliligaw. boypren. sariling bulsa. o kung saan man. masaya talaga. at kagabi meron na naman cadburry. yumyum.

sa katunayan ay pumunta na naman ako sa harap ng ref at pumutol ng isang parte nito at nilapang ko ang kinuha ko. ang sarap. kung ako'y magiging mayaman bibili ako ng limpak-limpak nito kaso matagal pa iyon. hahaha. at bawal pala sa akin ang maraming tsokoleyt sapagkat ako ay may lahing dyabetis. at nakakataba ito, eh medyo nagpapapayat nga 'di ba ako? [na parang sa tingin ko ay walang nangyayari] ayun kaya last na ang pagkuha ko na iyon kasi sa totoo lang para kay mami iyon at nakikikain lang ako na kahit na mas marami na akong nakain kaysa sa kanya.

condolence pala kay ate alice.

kagabi sa burol, nagkakwentuhan kami about sa pagiging intern ko. basic questions lang. at dumating sa point na tinanong nila ako kung magaling na ba ako sa venipuncture o pagkuha ng dugo? syempre ang sagot ko ay hindi gaano.

isipin mo naman na sa buong second semester ko sa uste ay isang beses lang ako nakapagvenipuncture. evacuated tube method pa. at higit lalo na at first ko pa gawin iyon during a practicals! yey! worth it naman ang resulta pero kahit na sayang pa rin iyong 2 points deduction. okay. okay. don't dwell in the past naka 2.5 naman ako sa hema. lol. actually isa na yan sa mataas unless hindi ko lang kilala iyong mga hayop talaga ng hema.

so balik sa kwento sa burol. biglang sumingit si ninong, "o baka naman kapag nagpakuha ako sa'yo masktan lang ako?" okay medyo pajoke lang niya sinabi pero alam mo iyong pang-aasar. dahil walang hiya ako na medyo mabait pa naman sinagot ko ng, "edi sa iba ka magpakuha sa medtech talaga." :) iyan na ang pinakamatinong masasagot ko na may impact kahit papaano. balak ko pa nga idagdag na, "hindi kita kuhanan maarte ka e." basta si ninong kasi iyong tipong ang arte feeling high-class pero hindi naman. let's say isa siya sa matataas pero duh! ugali niyang iyon. hahaha. at paki ko sa kanya.

okay bye bye na muna.

No comments:

Post a Comment