Tuesday ngayon so school day, right? Dapat talaga mag-aaral ako ng Lab Mgt ng mga around 6AM kaso as usual, tinamad ako hanggang sa maging 6.30AM na lang. Nagising naman ako at nakapag-aral ng ilang minuto. Kumain then gumayak na ako. Medyo umaambon nung pumasok ako, ang hassle pa naman nakapayong sa byahe tapos may reviewer ka pa. Amp! Aba nung nasa UST na ako, umuulang ng bongga at baha ng konti. Kaboom ako! Basa na nga si medyas, pati na si sapatos, pati na rin si pantalon. Kulang na lang buhok ko para mukhang bagong ligo e. Nagkamali ako ng 1 sa quiz namin. Sad. Kasi nagrush talaga ako kasi nagkaerasure ako, sinulat ulit lahat. Ahihihi. Pero pwede na rin, hindi ba? So after nun may presentation kami. Hindi na ako magaling na aktor, bumalik na naman hiya ko. :| Hayyy. Give me confidence, give me good speaking abilities. Please? Tapos ayun, sinabing suspended ang klase at hindi na rin ipapasa ngayon iyong thesis. BEST NEWS EVER kasi wala pa rin kami e. Hehehe. Tapos nung palabas na kami ng FLR, gago si RJ e. Tinawag bigla si crush. Hihihi. Tapos sabi ni crush, "Hi Basil!" Aba kilig ang lolo mo. Life's simple pleasures. :) I like you, let's be close please?
At dahil dyan ayoko na magduty bukas. Amp umuulan ba naman?! Tapos Hema pa. Pagod at ngawit lang inaabot ko dun. Amp! MahiHEMAtay ako sa'yo!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment