Wednesday, July 13, 2011

It's all about SK

*Disclaimer: Ang post na ito ay puro kalandian, maaaring meron mga seryosong bagay, mga fun, pero mstly kalandian lang ito. :)

Kanina ay nakikipagchat ako sa aking crush ng siya'y biglang nawala. Hinihintay ko pang mag-online siya sana mag-abot pa kami. Nagpuyat talaga ako para lang makachat siya, sa katunayan ay hindi ko inaasahang makakapag-usap kami ngayon ng ganito. Ang saya ng feeling. Abot tenga ang aking ngiti. Kinikilig ako. Sorry naman na. Napansin ko na ako iyong taong loyal sa isang crush as long as crush ko siya. Gets mo?

Nung retreat pala, sobrang saya ko. Iyon ang the best retreat days ever! Nakausap ko si crush for less than 1 minute. Malaking bagay na iyon swear! Alam ko, wala akong diskarte pero kasi hindi ako social person. Mahirap ako sa social skills. :| Ayun, iyong unang beses was iyong Appreciation game. Magsasabi ka ng mga bagay about sa tao na iyon and natapat ako sa kanya. Sabi ko ay maganda siya[syempre naman!], mabait, tahimik, friendly[?]. *ring**ang bilis ng 15 seconds* Tapos nung natapat naman siya sa akin, sabi niya ay mabait, masipag, palakaibigan. Saya ko naman nakausap ko siya. Ang cute kasi ng smile niya eh. *melting heart* Tapos may speed dating na event, nagkatapat na naman kami at normal nagpakilala.

Hi, I'm Basil. Hello, I'm ******* Ito na naman. 4B-MT Basta something ganyan usapan namin nun. Sorry naman na, no social skills nga db? At nakamayan ko pala siya. ;)

Nagkatext kami ni Ailaness, ayun saya ko lang din nung gabing iyon kaso nag-usap kami sa bagay na ito. Nakakaencourage. Ahehehe

Last nagkachat kami ngayon. Wah! Best night ever! Sana tuloy-tuloy talaga. Alam kong ako lang nag-iisip nito pero parang meant to be pareho kami ng sched. AMBISYOSO! AMP! Ang kulit nga niya, tama ka Ailaness. <3

Sige Bleu, sobrang saya ko talaga ngayon. Pagod na nga mga mata ko e. Ang hirap naman magpuyat. Hahaha. Pero no choice, hinintay ko siya. Goodnight na lang sa'yo SK! Let's be very close friends okay? :)

No comments:

Post a Comment