Malapit na ang Disyembre at ito pa rin ako, nakatanga. tumatanga. hindi alam ang gagawin at kung paano aaralin ang NMAT. Oo, NMAT lang yan. Basic. Must knows. Highschool pa inaral yan pero hindi eh. Feeling ko na ako ang pinakabobo sa mga ganitong bagay. I'm not good at entrance exams. I'm even wondering why people think that I'm smart. Hindi man nga lang sila naniniwala na ang baba ko e pero maniwala kayo, mababa talaga. Isa yan sa dahilan ng pagkadepress ko last year. Nakamove-on na ako, wala rin naman magbabago kung iyakan ko man yan e.
Good thing na ang NMAT sa UST. Sa carpark pa ako napunta. Kumusta naman iyon. Masaya na rin ako kahit paano kasi hindi sa La Salle. Hindi ako komportable sa environment nila dun. Ang sikip at feeling mo halos lahat ng mga nakakasalubong mo, kung hindi mayaman, matalino. Dec. 4 pala NMAT at day duty ako at ang bait ni Ma'am Jess, excuse kami sa duty. No make-up duty. Wala lang sobrang nabaitan ako kasi biruin mo sa ibang ospital pahirapan pa silang magpaexcuse dahil NMAT sila nun. Maswerte lang na sa World ako napunta. Ika nga nila Nerd Citi. Okay. I'm no nerd.
Hindi ko na alam ang gagawin. Sobrang nagpipile up na ang mga gawain ko. NMAT. Thesis. CPH. Exams. Med applications. Books to read, hindi na nga ako nakaprogress sa chapters e. Parang stagnant water lang.Tapos ko na panuorin iyong movie pero wala e, gusto ko pa rin basahin. Gusto ko na nga matapos sa thesis e, inggit ako sa ibang groups na tapos na experimentation. Nakakapressure kasi na wala pang nagagawa group namin e. Tipong napapag-iwanan na kami. Ay mali, hindi lang tipo, napapag-iwanan na talaga kami. Nakakaiyak, ang dami ng naipon na gawain. Sana napunta ako sa matinong group. Actually, matino naman group ko e. Sadyang tamad lang mag-initiate na mag-ayos. Kung sipagin mang mag-ayos, wala pa rin mangyayari. Ganun sila.
Sa katunayan, stress ako ngayon kasi kakagaling ko lang din sa duty. Anger Management 101 ang kailangan ko. Madali ako mainis kung kinaiinisan ko talaga iyong tao. Epal ba naman kasi sabi ko, "Ako na lang gagawa ng subculture para matuto ako ng tamang streaking." [kasi fail ang pagkastreak ko sa white pinhead beta-hemolytic. Staph. kasi iyon.] Sagot ba naman sa akin, "Hindi, ayoko. Ako ang gagawa." At dun na kumulo dugo ko, I know simple lang na bagay ito pero epal lang talaga. Tapos maya-maya, nagtatanong na paano gagawin dito o kaya tara punta tayo dito, magsubculture. Ano tingin mo sa akin nagtuturo? Kabago-bago ko lang din naman sa bacte eh tapos sa akin ka magtatanong. Hirap din ako kasi wala naman masyadong ginagawa sa post natin. Ano gagawin ko? Panuorin kang gumawa ng mga dapat gawin? Sige sa'yo na lahat niyan. Nakakainis lang tapos feeling ko nagsisipag ka dahil andyan si Ma'am jess? Ha? Sipsip much. Mabait siya pero ewan masyado lang panira iyong ugali niya. Hindi ko talaga siya makakasundo. Okay. FACT 'yon.
Pagod na ako sa duty. Kanina ko lang naramdaman iyong pagod. Ganito kasi sched namin. Day Day Night OFF Day Day OFF Night OFF. yan lang kabisado ko. tapos napansin ng mga kagrupo namin na halos buong araw kaming nasa ospital at wala sa bahay. Ang hirap lang pero kahit ganun ay nakagala naman kami kahapon. UP isaw bonding namin. Sobrang daming isaw ang kinain namin. Kung magtatae nga kami alam na namin ang dahilan. Pero isaw is YUM. Masarap din pala ang ice cream dun. Binalak nga naming magjogging sa UP sa isang sched na sunod-sunod OFF namin e. Alam mo iyong, healthy living? Ganun gusto kong mamuhay. Sana hindi drawing kasi nakakalungkot kapag ganun. Hahaha.
*High immune resistance ko sa sakit kasi sa grupo namin, ako at si Mikee na lang ang hindi ang nagkakasakit. Ayoko kasi magka-ubo/sipon e. Ang hirap pero ayun may times na nagkakaroon ako pero after mga ilang oras, wala na ulit. Marahil ay darating din ang araw na magigive-up na ang katawan ko at magkakasakit ako but I shall prevent that from happening. CPH is preventive not curative. Nerd inplug lang.
Okay, start na. Problema ko talaga ang NMAT. Someone, please help?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment