Wednesday, November 2, 2011

A Not-So-Special-Day

October 31 is just an ordinary day for me now minus the greetings and the gifts and the day duty. I wasn't able to write on my bday because there are people around the house and I don't want to write while people are around.

Ewan basta ang boring nung araw na iyon tapos sobrang petiks mode pa! Wtf talaga! Ang hirap pa naman ng walang ginagawa tapos effortless pa bati ni kat. Hahaha. Hindi ko naman inaasahang may gifts or anything special e, pero alam mo lang iyong effort na un? Medyo may pagkakamali nga naman ata ako talaga nun kasi sinabi kong hindi ngayon birthday ko pero in a pabirong way. Pero tapos na e. AT NAKALIMUTAN KO PA LANG MAGBIRTHDAY WISH. Hahahaha. Guess, I have to wait for another year. At 20 na pala ako, hindi pa nagsisink in sa akin. Parang hindi pa rin ako mature mag-isip at kumilos e. Basta it's not so 20-ish. Maraming salamat sa lahat ng bumati sa akin, sa fb, sa call, sa text, sa personal at lalo na sa aking Group 5 at sa mga nagbigay ng ketchup. Hahaha. Amp. Love ko kasi ketchup eh pero sana iyong may kasamang ibang pagkain naman. hahahaha. Maraming salamat sa napakaraming chocolates. Patatabain at papatayin niyo ako. Wah! High HGT na naman ako nito. Baka over the normal pa!

Tapos kahapon ang boring dun. Super technologically-deprived ako. No computer o internet. Wow, ano ineexpect mong gawin ko sa bahay though nakapanuod naman ako ng No Other Woman at Zombadings. Hahaha. Pwede na. Naalala ko nung bata ako sabi nila kapag nagkasugat ka sa sementeryo, hindi na ito gagaling. Hahaha. Naniwala naman ako. Pero syempre since nag-aaral na ako at lumalaki at nagkakaisip na ako, hindi na kapanipaniwala iyon, hindi ba? Tapos parang every year, pakonti ng pakonti ang mga taong nagsstay sa sementeryo until late in the evening. Ayun. Katamad lang.

No comments:

Post a Comment