Araw-araw lalong mas nagiging mainit. Yes. Pumapayag ka na hindi ba? Biruin mo kasi kaninang umaga, gumising ako ng mga 5.30 at binalak mag-aral for removals at sa kasamaang palad ay tinamaan ako ng katamaran katulad kahapon at nanuod ng How I Met Your Mother (HIMYM) Season 2. Productive indeed. Pero ayun nga, nung nagising ako parang ang liwanag na eh wala pang 6am nun. At ayun nuod-nuod kasi 9am pa naman pasok namin at naramdaman ko singaw ng init! Grrrr. Ako pa naman iyong sobrang nakakaramdam ng init at sobrang pagpapawisan. Sulit na sulit ang panyo sa akin minsan nga laspag na laspag pa. Hay.
May 4 exams kami ngayon Removals 1 for CM and SIBB at Removals 2 for CM and SIBB again. Sa apat na yan, 3 napasa ko! Yey! Wala lang nakakaGV kasi biruin mo bagsak ako sa assessment ng CM at hindi ko pa nalalaman kapalaran ko sa SIBB assessment exam, na kukuhanin ko pala sa May 2. Hello half day!
At dahil dyan maglolog-out na ako at mag-aayos at maliligo at mag-aaral[?] at magpapakasaya!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment