Tuesday, April 24, 2012

JADJNADKNWJDCNSKd

At ilang days na nga lang ba before board exams? Hindi ko ito binibilang, parang dagdag pasada pa yan para sa utak ko. Basta alam ko Sept 1 at 2 boards na! Medyo napagnilayan ko paano ko ba pagkakasyahin ang oras ko? Hindi ko na alam kung paano ko sisimulang ang lahat. Yes, review pero syempre kailangan mo pa rin aralin at intindihin at magmemorize ng mga concepts, things, topics, formulas, normal values. Masaya ang review kasi si Ma'am Leah nagtuturo. Yes dapat mabait kasi maaaring nababasa ito ni Ma'am. Hahahaha.Pero totoo nga, masaya magturo si ma'am. Sa mga kwento niya, mga kalokohan at mga taglines. Ay medyo nawala pala ako sa ikkwento ko. Ayun nga, hindi ko alam kung matatapos ko ba ito aralin lahat. Syempre gusto ko pumasa kasi sayang naman pera ng aking ina. Kaso alam mo lang iyong pagod sa byahe, yes wala ako karapatan kasi may umuuwi nga ng Pampanga e, tapos pagdating mo ng bahay gabi na tapos parang gusto mo na lang matulog.

Katulad kahapon, nakahiram kasi ako ng hard drive mula sa kaklase ko. May mga series/movies dito. JAMPAK! Tapos natempt ako manuod ng How I Met Your Mother Season 2. Kaso sa unang episode pa lang alam ko nang tutuloy-tuloyin ko na ito. Kaya sabi ng aking konsensya, bakit ako nanunuod eh hindi ba dapat nag-aaral ako. So pinakinggan ko siya. Kinilose ko iyong episode 1 at wala ka, hindi ako nag-aral. Natulog na lang ako. YES! Parang noon ko na lang muli nakamit ang 9hours na tulog. 9pm to 6am. At ito pa pala, balak ko sanayin sarili ko na gumising ng madaling araw mag-aral kasi parang mas pumapasok ata mga inaaral mo nun? Pero ayun nga, nagising ako sa alarm at natulog muli kasi tinatamad ako. YEY! mahusay!

Kahapon din pala nagpaphysical exam ako. So basically, super overtime. Hindi ako nakapagtake ng exam. Nakakainis kasi ang hirap kaya humanap ng oras para mag-exam. Sayang un! Kaya baka May 2 pa. Eh nabalitaan ko pa sa knila na sobrang hirap daw! Goodlck naman po! Okay medyo dumadaldal ako so mag-aral na ako CM kasi assessment exam na ulit after tomorrow. Ktnxbye!

No comments:

Post a Comment