Thursday, May 31, 2012

Frustrated Examinee

Yan na lang ang makakapagdescribe ng nararamdaman ko ngayon. FRUSTRATION! Hahaha. Halos buong araw ata ako nagbasa at ewan ko kung may pumasok ba. Gustuhin ko man umiyak kasi alam mo lang iyong feeling na ang hirap aralin lahat lalo na kung iyong mga natutunan mo nung 3rd year ay bigla na lang nawala sa bokabularyo mo. Nawala ng parang bula. Nakakainis. Parang ngayon mo lang marerealize talaga na sana hindi ko sila kinalimutan o kaya ay sana nag-aral akong mabuti nun. Regrets. yes. Pero ayun nga tapos iyong thought na sobrang gulo ko mag-aral. Katulad ng CM ngayon then CC then Micro at ito pa, sa Micro parang nakakasawa na kasi paulit-ulit pero sa katunayan ay hindi mo pa talaga alam. Ganun naman parati e

Tapos ang biggest problem ko pa ay paano ko isasabay to sa med? Giving me the creeps kung paano ko nga ba ititime management ito kapag pasukan na. 2 weeks per subject? Parang hindi kaya e. Hahaha. Sobrang kulang ng time bakit pa kasi nagmed e. Hahaha. Pero gusto ko talaga magmed, mukha naman masaya at ayoko dumating iyong araw na magkakaroon ka ng regrets kasi hindi ka nagmed and by that time, hindi mo na kaya kasi matanda ka na. Incapable ka na para umintindi at magmemorize ng sobrang daming bagay. Degeneration.

Okay sige last basa or tulog na siguro ako? Ang hirap kasi kapag walang karamay. Tulog na si ate at si francis dito tapos sa FB, parang wala naman ACTS na online. Wow, kumusta naman? Okay sige matutulog na ako para naman hindi malaki eyebags bukas. Ay meron ba ako nun? Hahaha. Sa totoo kasi kahit magpuyat ako, hindi halata na nagpuyat ako. Ata. Basta ganun. Okay. Daldal lang. Goodnight!

HAPPY LAST DAY OF THE MONTH NA RIN PALA! GOODBYE MAY! 

No comments:

Post a Comment