in 1.2.3. days.
Medyo ngayon lang sa akin mag-sink in ngayon na magmemed na pala kami. Magsusuot na ng white pants, aw. Hindi na ako pwedeng umupo kung saan-saan. Well pinoproblema ko pa rin kasi kung paano ko pagsasabayin iyong review plus med stuff. Kaya naman siguro basta dapat matuto magprioritize, okay?
Natapos review namin nung June 1. Dapat magpost ako nun eh kaso tinamad na. Ang saya kasi after nung simulated board exam, ang gaan sa pakiramdam. Parang wala ka na dapat intindihin na gagawin o kaya ay pwede kang matulog ng late tapos gumising ng late kasi wala ng pasok, pero sa case ko kahit matulog man ako ng alte ay gigising pa rin ako ng maaga. Grrr. Body clock :|
Sa pagiging productive ko pala, nanuod ako ng Nura Rise of the Yokai Clan: Demon Capital. Isa siyang anime na second season na. Iyong unang season, hindi ko pa tapos kasi medyo nabored ako at tsaka kasi naman ay medyo napapanuod ko ito sa Animax. Tapos iyong 2nd season naman sa Animax ko rin siya nakita eh medyo kailangan mo pa maghintay ng isang araw para lang makapanood, hindi siya worth it right? Sayang iyong time at syempre hindi ka naman nasa bahay araw-araw ng 7.30pm. Kaya ayun pinanuod ko sa net for 1.5 days. Straight watching! :)
At tinopak na naman ako kasi may syllabus kami for boards at ayun nga, dinivide ko ito sa iba't ibang parte para aralin. Kung per day basis iyon, aabutin ako ng mga morethan 26 days para tapusin ang mga ito. KAYA TO!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment