Kahapon orientation lang. Soooooobbbbbrrraaaannngggggg nakakapagod. Kasi medyo matagal iyong orientation sa room tapos nilibot namin buong med building. SOBRANG NAKAKAPAGOD! Tapos nanalo ako ng isang planner or lahat ata kami at may 5 points ako sa MMI. Super saya siguro nun kaso kailangan mag-ipon ng points. kaya yan!
Naisip ko na parang ang tanda na namin pero sa pag-iisip hindi pa? Parang mature yet not. I'm not making any sense at all. Katulad nung kumuha ako ng scholarship, mga kasabayan ko college students. Makikita mo pa rin na it's either mas mukha silang matanda sa'yo o mas bata silang tignan. Tapos hindi ko tand akung nakwento ko na ung nagpaphysical exam ako at marami ako kasabay, pagkasulyap ko sa mga student number nila 2012! Gadh, ako 2008?! Parang okay ganun na ba ako katanda. :| Ang bilis ng panahon sana makayanan ang MEd + boards + fun times.
Kagabi nga super pagod na ako and naisip ko nakayanan ni ate na umuwi ng ganito kapagod araw-araw? Marahil ay pagod lang ako dahil lumakad kami. Mas nakakapagod kasi un tapos ang init pa. Tagaktak ang pawis ko e. Sana makulimlim at mahangin na lang parati. Ito talaga iyong mga panahong gusto mo na magdorm o apartment pero sa kasawiang palad ay hindi maaari dahil sa budget. Meron budget pero hindi lang priority ang dorm, sa tingin ko. Sana manalo man lang ako sa lotto o ng malaking salapi para sa pagpaaaral sa akin at pambili ng bahay. :)))) Okay medyo late na ako pero nakakatamad gumayak e. K!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment