Monday, June 11, 2012

Energy Drain

Masasabi natin na ang araw-araw nating buhay ay nakasalalay sa isang battery. Iyong tipong mga nakikita mo sa taas ng mga cellphone. Kung gusto mo may percentage pa para mas maging konting accurate, tama? Bawat galaw. Bawat lakad. Bawat paghinga ng baga mo upang makalanghap ng oxygen upang tayo'y mabuhay ay nakakakonsumo ng kahit maliit na porsyento ng battery mo. Sa bawat maliit na pagkabawas nito at ito'y ginawang isang collective na gawain, malaking kabawasan na.

Ganito naranasan ko ngayong araw. Sinubukan kong magpakamartir, magpakasipag at kinaya naman subalit ay kapalit nito ang kakayahan kong makapag-isip ng epektibo. Medyo bumabagal na kasi ang pag-isip sa pagod. Miski nga pagkain, tinatamad na ako dahil sa pagod e. Sinubukang nguyain at lasapin ang lasa ng ulam at kanin. Lumaglak ng tubig sa kauhawan. KAPAGOD!!!!!

At ngayon gabi ay pipilitin kong magreview or mag-aral na rin. Alin man sa dalawa ang mangyari sana may mangyari. Nagiging kapos na ang mga araw para mag-aral e. 82 araw na lang board exams na. Matagal pa no? Pero hindi, ang bawat free day ay isang busy day. Walang pahinga. :| Kailangan ko na nga siguro mag-multivitamins. Magiging abuso na sa katawan at kalusugan ko kung ganito gagawin ko araw-araw.

At sa wakas, masasabi kong. ACTIVE BLOGGING. Hello Bleu!

No comments:

Post a Comment