Simula nung dumating si ate sa bahay, hindi na ako masyado nagtitimpla ng kape kasi si ate ang nagtitimpla. Pero wala siya ngayon e kaya sinubukan kong magtimpla para sa sarili ko. Koppicino! Masarap na kape talaga to. Dati hindi ako tinatablan ng kape. Palpitate, yes pero nakakatulog pa rin ako. Tipong wala talaga epekto kahit mga energy drink. Pero ngayon, amp tinablan ako. Medyo nakakahilo at nagpapalpitate na. Hyper mode.
Ginive up ko na ang Immuno-Sero kanina. Hindi kasi ako umuusad so anong silbi ng pagserlf-study kung ganun man, right? Kaya nasa Blood Banking naman na ako. Sinusubukan kong iabsorb ito sa pamamagitan ng pagbasa ng mabagal. Iyong tipong maintindihan ng isang basahan at mas intindihin sa susunod na basa. Btw, hindi ko ito style ng pag-aaral. Mabilisang aral kasi ako then kapag tapos na, basa ulit, kapag hindi naintindihan pa, basa ulit hanggang sa isuka na ito ng aking utak. Nagsasawa na kumbaga. Gusto ko nga pala makiseat-in sa Monday sa Section A kasi Serology subject nila nun eh sobrang bano ko nga talaga dito. Kaso, may pasok daw kami ng 1pm sa UST. GRRR! Alam mo iyong sobrang excited ko na dahil makakapakinig ulit ako pero hindi e, sinira mo ito! So baka hindi na ako pumunta, sayang. :|
Dami kong gusto sa buhay. Gusto kong sumali ng Terp pero hindi maalam mag-audition. Gusto kong mag-MMI. Gusto kong mag student council or AMSA. Pero hindi kaya ng oras, hello boy-commute!
Sige balik review na ako. 84 days na lang board exam na!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment